Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions

ARAW 10 NG 14

Walang paghahatol Ang Panginoong Jesus, Diyos mula sa walang hangganan, nagkatawang-tao at namuhay sa daigdig para sa ilang mga dahilan. Subalit ang pangunahin dito ay ang palayain silang ang mga buhay ay nasasadlak sa pagkaalipin ng takot nila sa kamatayan, gaya ng sinabi ng manunulat sa Mga Hebreo sa ikalawang kabanata. Namuhay si Jesus kapalit ng mga buhay natin, nagpapasakop sa lahat ng kautusan ng Diyos at tao at perpektong sumusunod dito. Inalay niya ang kanyang katawan upang maabuso at magdusa, sa kaalamang sa pamamagitan nito, ang mga kaparusahang nararapat sa atin ay malilipat lahat sa kanya. Sa huli, sinuko niya ang sarili sa kamatayan, at mula sa pambihirang palitang naganap sa Kalbaryo, ang ating kamatayan ang naging kanya at ang kanyang kawalan ng kasalanan ang naging sa atin. Ang kinalabasan? “Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus" (Mga Taga-Roma 8:1,2). Narito ang dahilan kaya hindi mo na kailangang katakutan ang Diyos kailanman. Ang iyong mga kasalanan ay napatawad na, lahat ng mga iyon, buong laya, paglalayon, matagal nang panahon, na walang kinalaman sa anumang ginawa mo. Ito ay pamana, hindi sahod. Ito ay sa'yo---lahat ng naniniwala dito ay magkakamit nito. Buong pagkakaloob ito ng Diyos—walang paghahatol. Maari kang makahinga ng maluwag.
Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org