In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Pagpapakumbabang Dakila
Ang mga kwentong marahil na unang nagustuhan ng mga kabataan tungkol kay Jesus ay may kaugnayan sa kanyang kapangyarihan.Tunay siyang mapaghimalang manggagawa! Panginoon ng karagatan, sumusupil ng unos, manlulupig ng sakit, mapagwagi sa mga demonyo, bumubuhay sa namatay-- sadyang wala siyang hindi kayang gawin. Siya ang "ultimate superhero", mas cool kaysa kay Batman o Superman.
At sa iyong pag tanda, mas ikalulugod mo si Jesus sa kanyang mapagpakumbabang mga gawa. Ang isa sa pinaka makapangyarihang tala sa Biblia ay nangyari ng gabi ng unang Huwebes Santo. Ilang oras bago sya ipako sa krus, tinuruan nya ang kanyang mga disipulo ng isang aral na dapat pakatandaan ukol sa pamumunong may pagsisilbi.
Sa kanyang pagluhod sa harap ng bawat isa, tangan ang isang lalagyan ng tubig at tuwalya, kanyang hinugasan ang kanilang mga paa. "Nang mahugasan na ni Jesus ang kanilang mga paa, muli niyang isinuot ang kanyang balabal at nagbalik sa hapag. Siya'y nangusap sa kanila, “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Dahil akong Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong gawin ito sa isa't isa." (Juan 13:12,14).
Dahil sa kanyang serbisyo at pagpapasakit, tayo ay natubos ni Jesus. Ang kanyang halimbawa ng paglilingkod na may pagpapakumababa ang siyang mag tuturo at magpapaalala ng ating kilos o gawi sa araw araw. Ang mga tao ba sa iyong paligid ay makapagsasabi na minsan ikaw ay mapagmatigas sa tingin o pagsasalita, mapagmataas o di kaya ay palalo? Ikaw ba ay agad sumasaling sa agenda na ang nangingibabaw ay ang iyong kaginhawaan, kagustuhan at iyong kaluguran?
Ano ang anyo ng mapagkumbabang pag huhugas ng paa sa iyong tahahan? Gumawa ng listahan ng tatlong halimbawa at gawin ito ngayon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Paghahanap ng Kapayapaan

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos

Buhay Si Jesus!
