Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions

ARAW 6 NG 14

Magpakatatag! Ang pambihirang 8-araw mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay ay tinawag na Mahal na Araw ng mga namamangha at nagpapasalamat na Kristiyano. Ito ang pinakamagandang bunga ng mga likha ng Panginoon na nakita ng buong mundo, higit pa sa Paglikha mismo. Nasasaad nito ang walang katumbas na tagumpay ng Tagapagligtas labas sa mga kampon ng kaaway: ang kasalanan, si Satanas, kamatayan, panghuhusga, at impyerno. Gayunpaman, ang mga disipulo ng Jesus ay dumadaan sa matinding pagsubok noong mga panahong iyon. Karamihan ng mga bagay na sinabi sa kanila ni Jesus ay hindi nila maunawaan, at kung ano ang kanilang mga naiintindihan ay hindi nila nais marinig. Huwebes ng linggong iyon, ay kanilang ipinagdiwang ang huling Passover kasama si Jesus, at sa unang pagkakataon ang unang Komunyon at kanilang tinanggap ang katawan at dugo kasama ang tinapay at alak. Isa-isang hinugasan ni Jesus ang kanilang mga paang puno ng alikabok, bilang isang makapangyarihang pagpapakita ng tagapaglingkod-pamununo. Ilang oras ng gabing iyon ay iginugol sa mahahabang sesyon ng pagtuturo. Ito ay isang maliwanag na prebista ng digmaan at mga pagsubok na nagiintay sa kanila at iba pa na lantad na naglilingkod sa Panginoon at Kanyang kaharian. Ngunit ito rin ay isang mahinahon at payapang proklamasyon ng huling tagumpa para sa mga kasapi ni Jesus sa pananampalataya. "Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!"(Juan 16:33). Narito ang pag-asa para sa lahat ng mga naniniwalang nababalisa at natatakot. Sinasabi sa atin ng Biblia na ang ating mga buhay ay napaloloob kay Cristo. Sa panlabas, ito ay mukhang nasisira. Ngunit ito ay isang ilusyon lamang. Ang realidad ay ang ating buhay, ang ating mga pag-asa, ang ating mga relasyon ay nasa mga mabubuting kamay ni Cristo. Kung maraming kaguluhan sa iyong buhay, magpakatatag! Nasupil na ni Cristo. Siya ay nagtagumpay; ikaw ay nagtagumpay. Makakahinga ka na nang maluwag.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org