Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

In Our Place: Lenten Devotions

ARAW 4 NG 14

Oras na Kapag bumisita ka sa bahay ko, isa sa unang mapapansin mo'y ang pagkahumaling ko sa mga orasan--sa sala lamang ay may anim. Lahat ay de makina; at natutuwa ako sa tunog na nakakakalma sa kaluluwa. Marahil may lihim akong pagkatakot sa pagiging huli. Siguro ang lahat ng mga orasan ko'y humuhupa sa aking pangamba na may makakaligtaan akong mahalaga. Batid lagi ni Jesus kung anong oras na--oras magpagaling, oras magturo, oras magwika, oras mamahinga, oras na dumalo ng pagdiriwang. Ipinaalam ng Kanyang Ama kung kailan oras nang mamatay. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na papatapos na ang kanilang pagtuturo at paglalakbay. Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, “Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong araw ako'y muling mabubuhay.” (Mateo 16:21) Alam niyang ang kanyang maharlikang pagpasok sa Herusalem noong Linggo ng mga Palaspas ang kanyang huli. Isang kahanga-hangang himala ang naganap sa kalagitnaan ng mga palaspas. Napakalaking grupo ng mga tao ang nakakilala na ang tahimik na lalaking nakasakay sa bisiro ng asno ay ang Mesiyas, ang kaganapan ng nasusulat sa Lumang Tipan. Ang kanilang mga hosana ay nagpakita na batid nila kung anong oras iyon--na ang kanilang Hari ay pumapasok sa kanilang mga buhay at inaangkin ang kanilang katapatan.Alam mo ba kung anong oras na? Oras na para tumigil sa pagkataranta at angkining, o muling ipahayag, si JesuCristo ang Panginoon at Hari. Sa pamamagitan ng kanyang Salita, sa saboy ng tubig ng bautismo, sa katawan at dugong inialay sa Banal na Hapunan, personal na tumutuloy si Jesus ngayon gaya noong dati. Ang mga palaspas ay nagsasabi: purihin Siya ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

In Our Place: Lenten Devotions

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org