Radikal na Karunungan: Isang 7-Araw na Paglalakbay Para sa mga AmaHalimbawa
Ano Ang Magiging Pamana Mo sa susunod na Henerasyon?
"Kung anong puspusang itinataguyod ng isang ama, itataguyod ng kanyang mga anak nang katamtaman lang. Kung anong itinataguyod ng isang ama nang katamtaman lang, ay hindi papansinin ng kanyang mga anak . . . at hindi mo malalaman kung anong nagawa mo hanggang sa makita mo ang ginagawa ng mga apo mo!"
Noong una kong marinig na sabihin ito ng isang tagapagsalita, nangilabot ako. Hindi ito maaaring maging totoo, hindi palagi. Ngunit gumamit siya ng hindi mabilang na mga halimbawa mula sa Banal na Kasulatan.
Si Abraham. Pwede. Masunurin. Inimbento ang salitang pananampalataya. Si Isaac na kanyang anak? Siguradong isang makadiyos na tao, ngunit may sinuway siyang tagubilin ng Diyos tungkol sa pagpunta sa Egipto. At may panahon pang sinabi niyang kapatid niya ang kanyang asawa, isang kasalanang naging modelo niya ang kanyang ama ilang taon ang nakaraan.
Mapanghahawakan ba ang teoryang ito kapag sinuri mo ang mga anak ng kanilang mga anak?
Ang mga anak ni Isaac, na sina Jacob at Esau ay makadiyos. Ngunit paano naman ang panlilinlang na ginawa ni Jacob upang makuha niya ang karapatan bilang panganay? At ang kapusukan ni Esau na ipinagpalit ito para sa isang mangkok ng sinabawang pulang patani?
Ang punto dito ay tayong mga ama ay kailangang itaguyod ang Diyos nang may kapuspusan, hindi katamtaman lang. Walang kamalayang napagpapasyahan ng ating mga anak kung gaano kahalaga ang pananampalataya para sa kanila sa pamamagitan ng nakikita nilang kahalagahan ng ating pananampalataya para sa atin.
Huwag makipagsapalaran. Gawin mo na ang lahat. Gumawa ng desisyong maging pangmadlang patotoo, kumbinsido, walang pinipigilan, nananalangin, nagbibigay ng ikapu, nagmamahal, at puspos ng biyayang tagasunod ni Jesus.
Maaari mo nang malaman, simula ngayong araw na ito hanggang sa mga darating pa, na naging marubdob ka sa pagtataguyod mo sa Diyos. Wala nang sinumang makakatawag sa iyo ng katamtaman kahit kailan.
At maaaring magkaroon ng pagkakataon ang iyong mga apo!
Tanong: Mailalarawan ka ba ng mga anak mong marubdob sa iyong pag-ibig kay Jesus?
Naging hamon ba sa iyo bilang ama ang gabay na ito?
Matutunan pa ang kabuuan Radical Wisdom devotional.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakakabaliw isipin kung paanong hinuhubog tayo ng ating mga ama. Walang sinumang nakakatakas sa kapangyarihan at impluwensya ng kanilang mga ama sa lupa. At dahil nararamdaman ng maraming mga kalalakihan na hindi sila handang maging ama, mahalagang humingi ng patnubay – mula sa Banal na Kasulatan at mula sa ibang mga ama. Ang Radikal na Karunungan ay isang paglalakbay tungo sa karunungan at pananaw para sa mga ama, kung saan pinagsasama ang mga prinsipyo at karunungan mula sa Banal na Kasulatan at ang mga karanasan ng mga mas nakatatanda, at mas matatalinong mga ama na may mga natutunan sa kanilang mga pagkakamali.
More