Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Radikal na Karunungan: Isang 7-Araw na Paglalakbay Para sa mga AmaHalimbawa

Radical Wisdom: A 7-Day Journey For Fathers

ARAW 3 NG 7

Tupang Walang Pastol

Ang mga bata ay parang tupa. Malapit na silang maging malaya, pero sa ngayon, sila'y pinalalakas ng kanilang kabataan at kasiglahan—at nanganganib dahil sa kakulangan ng karanasan.

Tulad ng tupa, kailangan nila ng pastol . . . isang taong magbabantay sa kanila. Kailangan nila ng tatay. Isang tunay na ama. Ang nakakalungkot, marami akong kilalang mga bata na lumalaking walang pastol.

Sana ay isa ka sa mga tatay na talagang siniseryoso ang kanilang trabaho bilang pastol. Anong ginagawa ng isang amang nagpapastol? 

  1. Nag-aalaga - Tulad ng mga pastol na alam kung nasaan ang kanilang tupa, alam ng mga ama kung nasaan ang kanilang mga anak . . . sa pisikal, sa kanilang pakikipag-ugnayan, at sa espirituwal. 
  2. Pinagsasama-sama - Pinagsasama-sama ng mga pastol ang kanilang kawan. Ang mga Tatay ay may ganito ring responsibilidad, at nagsisimula ito sa pananatili niya sa kanyang asawang babae. Hindi mo kakayaning pagsama-samahin ang maliliit mong tupa kung hahayaan mong ang dalawang malalaking tupa ay maghiwalay.
  3. Pinapakain -Ang mga pastol ang mga pangunahing tagapagtustos para sa kanilang tupa. Kailangang gawin ito ng mga Tatay para sa kanilang mga anak. Wala dapat na tamad na tatay . . . lalo na ang isang Cristianong ama. Kasama ng pagtutustos para sa kanilang mga pangangailangang pisikal, kailangan ding magbigay ang mga Tatay ng walang limitasyon, at walang pasubaling pag-ibig para sa kanilang mga anak, kasama na rin ang pagbibigay sa kanila ng pagkaing espirituwal.
  4. Nagbabantay - Ginagawa ng mga pastol ang anumang kailangang gawin upang itaboy ang sinuman o anumang maaaring makasakit sa kanilang mga tupa o kaya naman ay iligaw sila. Binabantayan ng mga Tatay ang kanilang mga anak mula sa mga panlabas na pagbabanta at iniiwasan nilang masaktan ang mga ito sa pamamagitan ng galit, kawalang-malasakit, o kapabayaan. 

Karamihan sa mga tatay ay iiwan ang kawan ng siyamnapu't-siyam upang hanapin ang nag-iisang nawawalang tupa. Aalagaan, pagsasama-samahin, pakakainin, at babantayan mo ba sila?

Tanong: Sapat ba ang pagbibigay-pansin mo sa iyong mga tupa kung kaya't nalalaman mo kung kailan ang isa sa kanila ay napapalayo?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Radical Wisdom: A 7-Day Journey For Fathers

Nakakabaliw isipin kung paanong hinuhubog tayo ng ating mga ama. Walang sinumang nakakatakas sa kapangyarihan at impluwensya ng kanilang mga ama sa lupa. At dahil nararamdaman ng maraming mga kalalakihan na hindi sila handang maging ama, mahalagang humingi ng patnubay – mula sa Banal na Kasulatan at mula sa ibang mga ama. Ang Radikal na Karunungan ay isang paglalakbay tungo sa karunungan at pananaw para sa mga ama, kung saan pinagsasama ang mga prinsipyo at karunungan mula sa Banal na Kasulatan at ang mga karanasan ng mga mas nakatatanda, at mas matatalinong mga ama na may mga natutunan sa kanilang mga pagkakamali.

More

Nais naming pasalamatan ang Radical Mentoring sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://radicalwisdombook.com