Radikal na Karunungan: Isang 7-Araw na Paglalakbay Para sa mga AmaHalimbawa
Nakukuha Mo Kung Anong Niluluwalhati Mo
Nakapanood ka na ba ng isang batang babae na "pinapaganda" ng kaniyang nanay, habang itinuturo sa kanya kung ano ang makeup, ang kolorete, ang eyeliner, at lipstik kahit na bata pa lang siya? Pagkatapos ay sinasabihan siyang maganda siya, hindi dahil maganda siya, kundi dahil siya (o ang kanyang ina) ay pinagsusumikapan ito.
May napuntahan ka na bang larong baseball ng mga bata at nakita mo kung paanong ang tatay ay nagsisisigaw nang may kasiyahan kapag natatamaan ng kanyang anak ang bola o kaya naman ay naka-home run siya? Lahat sila ay nagtatapikan kapag may nakakapuntos.
Sa tagal ko nang nabubuhay ay nakita ko na ang ilang mga batang lalaki at babaeng naging mga binata at dalaga, at nakita kong nakukuha mo kung anong niluluwalhati mo!
Kapag gumugugol tayo ng mga oras at hindi mabilang na salapi upang damitan ang ating mga anak at mga kabataan ng magagandang kasuotan, lalaki silang sobra ang pagpansin sa kanilang mga kasuotan. Kapag ang tanging luwalhating nakukuha ng ating mga anak ay mula sa kanilang galing sa paglalaro, mga atleta ang kakahinatnan nila paglaki nila.
Wala namang mali sa mga damit o sa makeup, walang mali sa paglalaro.
Ngunit kailangang nalalaman mo kung anong niluluwalhati mo sa iyong mga anak.
Sa bokabularyo ko, ang salitang "luwalhatiin" ay maaaring ipagpalit sa salitang "purihin." Kung anong pinupuri mo sa iyong mga anak ay siyang pagsisikapan nilang matamo sa kanilang paglaki.
Pag-isipang luwalhatiin ang iyong anak sa kabutihan niya sa ibang tao. Pansinin silang may ginagawa para sa kanilang kapatid na lalaki o babae. Purihin sila dahil dito. Luwalhatiin sila sa kanilang pananalangin, pagbabasa ng Biblia, pagtatanong tungkol kay Jesus, at pagbibigay sa iglesia, sa mga kawanggawa, o sa mga mahihirap.
Tandaan, ikaw ang laging nag-aakay sa kanila. Ang tanong ay kung saan.
Tanong: Aakayin mo ba sila sa pamamagitan ng pagluluwalhati sa kanila nang inaasahan mong makukuha nila pagdating nila sa sapat na gulang?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakakabaliw isipin kung paanong hinuhubog tayo ng ating mga ama. Walang sinumang nakakatakas sa kapangyarihan at impluwensya ng kanilang mga ama sa lupa. At dahil nararamdaman ng maraming mga kalalakihan na hindi sila handang maging ama, mahalagang humingi ng patnubay – mula sa Banal na Kasulatan at mula sa ibang mga ama. Ang Radikal na Karunungan ay isang paglalakbay tungo sa karunungan at pananaw para sa mga ama, kung saan pinagsasama ang mga prinsipyo at karunungan mula sa Banal na Kasulatan at ang mga karanasan ng mga mas nakatatanda, at mas matatalinong mga ama na may mga natutunan sa kanilang mga pagkakamali.
More