Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Radikal na Karunungan: Isang 7-Araw na Paglalakbay Para sa mga AmaHalimbawa

Radical Wisdom: A 7-Day Journey For Fathers

ARAW 6 NG 7

Mga Tatay na Tagasunod-ni-Jesus  

Ang mga Tatay na tagasunod-ni-Jesus ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang mga anak upang maunawaan ng mga ito kung sino sila kay Cristo. Alam ba ng anak mong siya'y inampon ng Hari ng mga hari—ganap na pinatawad, lubos ang kasapatan, at ganap na karapat-dapat? 

Kapag nauunawaan ng mga bata kung sino sila kay Cristo, natutuklasan nila ang isang makabuluhang pagkakakilanlan. Mas madaling malaman kung anong gagawin sa mga sandaling hindi gaanong malinaw kung alin ang tama o mali dahil sa pagkakakilanlang ito, o kung ang mga magulang ay nagpapaliban ng kanilang desisyon. 

Ang proseso ng pag-iisip nila ay nakabase sa "Anong nanaisin ni Jesus na gawin ko?" dahil ang kanilang pagkakakilanlan kay Cristo ang saligan ng kung sino sila. 

Ang mga kaibigan kong sina Craig at Kerry ay may tatlong napakagagandang mga anak na babae. Kapag kailangang magpasya patungkol sa maiikling palda at mababang uka ng leeg ng blusa, tinatanong ni Kerry, "Sa palagay mo ba ay angkop isuot iyan?" Maraming mga bata ang magpapaliban ng kanilang desisyon, at iisipin nilang may inilalagay na ideya ang kanilang ina sa isipan nila tungkol sa kung anong angkop sa kanila. 

Ngunit nahubog na ang sariling pagkakakilanlan ng mga batang babaeng ito . . . ang sarili nilang pamantayan ng kung anong angkop at anong hindi. Marami silang naiwasang pag-aaway tungkol sa kung anong maaaring isuot at anong hindi dahil napag-isipan na nila ito nang lubos sa kanilang mga sarili. "Kilala ko kung sino ako. Ang mga taong katulad ko ay hindi nagsusuot ng mga ganoong damit. Ang mga taong katulad ko ay hindi ginagawa ang mga ganoong bagay." 

Tanong:Ipapako ba ninyo ng iyong anak ang inyong mga mata sa pagkakakilanlan, upang madala ninyo silang malaman kung sino sila kay Cristo?

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Radical Wisdom: A 7-Day Journey For Fathers

Nakakabaliw isipin kung paanong hinuhubog tayo ng ating mga ama. Walang sinumang nakakatakas sa kapangyarihan at impluwensya ng kanilang mga ama sa lupa. At dahil nararamdaman ng maraming mga kalalakihan na hindi sila handang maging ama, mahalagang humingi ng patnubay – mula sa Banal na Kasulatan at mula sa ibang mga ama. Ang Radikal na Karunungan ay isang paglalakbay tungo sa karunungan at pananaw para sa mga ama, kung saan pinagsasama ang mga prinsipyo at karunungan mula sa Banal na Kasulatan at ang mga karanasan ng mga mas nakatatanda, at mas matatalinong mga ama na may mga natutunan sa kanilang mga pagkakamali.

More

Nais naming pasalamatan ang Radical Mentoring sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://radicalwisdombook.com