Radikal na Karunungan: Isang 7-Araw na Paglalakbay Para sa mga AmaHalimbawa
Isang Amang may Kaunting Panghihinayang
May panahon sa pagnenegosyo nang ang "makatuwirang pamamaraan" ng paggawa ng desisyon ang siyang panuntunan. Gumagawa tayo ng mga pormula at umaasa ng pinakamataas na posibilidad ng tagumpay at pinakamababang posibilidad ng pagkabigo. Ipinagsasapalaran natin na kapag may mga bagay tayong ginawa, maaari tayong manalo nang mas maraming beses.
Bilang mga ama, hindi natin gustong "ipagsapalaran" ang maaaring kahantungan ng ating mga anak. Ano mang gawin natin, hindi natin kayang masiguradong lalaki silang mabubuti, at sumusunod-kay-Jesus na mga nilalang. Ngunit maaari tayong gumawa ng mga desisyong ang magiging resulta ay ang pinakamababang antas ng panghihinayang para sa ating mga sarili! Maaari nating piliing huwag gumawa ng mga bagay na panghihinayangan natin pagdating ng panahon.
Napakaraming mga kalalakihang nabubuhay ng may mga batik mula sa kanilang mga Tatay na hindi pinigilan ang kanilang mga bibig at ang kanilang init ng ulo. "Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon." Anupaman, dapat tayong tumahimik na lang. Pigilan ang ating mga pagpuna at galit. Hindi natin madalas na napapansing ginagawa natin ito . . hanggang nagawa na natin.
Nanabik tayong makarinig ng mga salita ng papuri at pagtataguyod mula sa ating mga Tatay, ngunit marami sa atin ay nabigo rito. Kataka-taka kung paanong napaparalisa tayo ng pagmamalaki. Sasakay tayo sa mga torong pinapatakbo ng mga makina, mga motorsiklo, at mga wakeboard, ngunit hindi natin kayang lampasan ang mga takot nating magmukhang kakatwa o kaya ay maging tila malambot sa pagsasabi sa ating mga anak na lalaki at babae kung gaano sila ka-espeyal at kung gaano natin sila kamahal.Buung-buo ka bang para sa iyong mga anak? Nagiging ama ka ba na nagsusumikap na magkaroon ng pinakamababang antas ng panghihinayang pagdating ng araw?
Tanong: Maaari mo bang hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang pinakamalaking bagay bilang ama na maaari mong pagsisihan ilang taon mula ngayon? Pagkatapos ay kaya mo bang hilingin sa Kanyang bigyan ka ng lakas ng loob na harapin ito?
Tungkol sa Gabay na ito
Nakakabaliw isipin kung paanong hinuhubog tayo ng ating mga ama. Walang sinumang nakakatakas sa kapangyarihan at impluwensya ng kanilang mga ama sa lupa. At dahil nararamdaman ng maraming mga kalalakihan na hindi sila handang maging ama, mahalagang humingi ng patnubay – mula sa Banal na Kasulatan at mula sa ibang mga ama. Ang Radikal na Karunungan ay isang paglalakbay tungo sa karunungan at pananaw para sa mga ama, kung saan pinagsasama ang mga prinsipyo at karunungan mula sa Banal na Kasulatan at ang mga karanasan ng mga mas nakatatanda, at mas matatalinong mga ama na may mga natutunan sa kanilang mga pagkakamali.
More