Magaang PaglalakbayHalimbawa
Bakit maglalakbay Nang May Kagaanan?
Ngunit sa totoo lang, bakit hindi na lang ituloy ang buhay sa paraan ng pamumuhay natin? Bakit kailangang pakawalan ang lahat ng bagay at maglakbay nang may kagaanan?
Dahil tayo ay pinalaya upang mabuhay nang malaya.
Dahil ang pag-aasawa ay isang panghabang-buhay na pangako.
Dahil marami sa ating mga anak ang magiging magulang.
Dahil ang Lumikha ng lahat ng bagay ang ating gabay.
Dahil hindi ito sa atin.
Dahil ang ibang tao ay nasasaktan at nagpapagaling din.
Dahil una Niya tayong pinatawad.
Dahil ang kahihiyan ay sinungaling.
Dahil tayo ay sapat.
Dahil Siya ay sapat.
Dahil mas masaya ito.
Dahil mas madaling magsabi ng oo sa susunod na sapalaran na ibibigay sa atin ng Panginoon.
Dahil ang walang-hanggan ay isang mahabang lakarin.
Dahil ipinanganak si Jesus.
Dahil namatay si Jesus para rito.
Dahil nabuhay si Jesus at hiniling sa atin na ibahagi ang Kanyang Mabuting Balita sa lahat!
Jason, naglalakbay nang may kagaanan dahil—kay Jesus
Manalangin: Sige, Panginoon, gawin natin ito. Mangyaring bigyan Mo ako ng lakas upang magpatuloy na magpalaya. Nais kong Ikaw ang maging pinuno ng aking buhay. Pinagkakatiwala ko sa Iyo sa lahat ng ito. Amen.
Marami pang nilalaman tungkol sa pagpapalaya ng tensyon at pagtitiwala sa Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.
More