Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magaang PaglalakbayHalimbawa

Travel Light

ARAW 4 NG 7

Pagpapalaya Sa Mga Bagay-bagay

Sa isang panahong nakalipas, mahal na mahal ko ang mga bagay-bagay, lalong-lalo na ang mga damit. Tambak na mga damit at sapatos, umaasam sa aking susunod na pagbili, minimithi ang suot ng iba. Napagtanto ko na ang lahat ng mga bagay na ito ay nakasalansan nang mataas upang matakpan ng anino nito ang aking pang-araw-araw na pagsamba sa Diyos. 

Sinasabi sa Mga Taga-Roma 12:1 sa salin ng The Message na, “Kunin ang iyong pang-araw-araw at ordinaryong buhay—ang iyong pagtulog, pagkain, pagpunta sa trabaho, at pagiikot-ikot sa iyong buhay—at ilagay ito sa harap ng Diyos bilang handog.”

Kaya't sinubukan ko ang isang eksperimento sa buhay: Itinigil ko ang pamimili ng damit at sapatos sa loob ng isang taon! 

Madalas tayong kausapin ni Jesus kung paano natin haharapin ang bagay-bagay. Sa Lukas 12, lantaran Siyang nagsalita tungkol dito.

… “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Lukas 12:15 RTPV05 

Marami akong natutunan sa isang taon. Napagtanto ko na ang mga bagay ay hindi lamang pasanin para sa akin. Nagtatrabaho ako para sa isang internasyonal na ministeryo, ang Tearfund, at nakita ko kung paanong ang industriyang gumagawa ng aking mga gamit, lalo na ang mga napakamura, ay nakalilikha ng kabigatan sa aking mga kalapit-bansa. At habang natututunan ko kung paanong ang mga kapatiran ko sa mga bansang iyon ay nagpapakahirap gumawa para sa kakarampot, ang aking kasobrahan ay tila wala na sa balanse.

Habang nawawala ang aking pagnanasa sa mga bagay-bagay, lumalago naman ang aking hangarin sa Diyos. Akala ko'y mawawalan ako, ngunit marami akong natamo mula sa Diyos. Hindi ang uri ng "marami" na tumatambak, kundi ang uri na nagpapalaya sa iyo. 

Maaari ba kitang hikayatin sa pamamagitan ng mga salita mula kay Apostol Pablo na sinabi ko sa sarili kong pananalita? Sa kabila ng malaking pwersa upang lalo pang bumili—Malaya na tayo dahil pinalaya na tayo ni Jesus. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli sa mga tambak na gamit. 

Ngayon, bumibili ulit ako ng damit, ngunit mas balanse na ako. Mas nagpapasalamat na ako. Mas pinapahalagahan ko ang kagandahan at kalidad. Hindi na ako gaanong nagsasayang at sinusubukan kong pahalagahan ang taong gumawa ng aking mga gamit sa pamamagitan ng pagpili ng binibili. Mas maliit ang aking aparador, ngunit mas puno ang aking buhay. Gayunpaman, ang pinakamagandang bagay tungkol sa pagpapakawala ng mga gamit ay ang silid sa aking buhay upang sambahin ang pinakamahusay na tagagawa ng lahat. 

Sarah, lumalaya mula sa bagay-bagay

Panalangin: Panginoon, may mga ginagawa ba ako kung saan hinahayaan ko ang mga bagay na humadlang sa pag-ibig ko sa Iyo at sa aking kapwa?  

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Travel Light

Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/