Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magaang PaglalakbayHalimbawa

Travel Light

ARAW 2 NG 7

Paglimot sa mga Sama ng Loob

Siguro naging tauhan ka na sa kuwentong ito: Nag-iimpake kami sa kotse, naghahanda para sa isang biyahe sa araw ng Pasko upang makita ang mga kapamilya. Kumikilos ako tulad ng isang sobrang stressed na Boss 2.0 sa aking mga anak at asawa hanggang sa—sumuko ako. Ang aking asawa ay nagsabi, "Ano ang nangyayari?" Maliwanag na, ako ay wala sa normal na sarili sa panahon ng paglalakbay na iyon.

Habang lumalampas ang mga milya sa paglalakbay, tinanong ko ang aking sarili ng isang pangkaraniwang tanong,Bakit ako labis na nai-stress sa isang masayang panahon ng taon? Alam mo ang takbo ng mga pangyayari. Ito ang panahon na para sa sanggol na Jesus, sa pamilya, sa mga kaibigan, mga pagkain, regalo, football, at syempre, mainit na tsokolate. Ito ay isang pahinga mula sa ating pang-araw-araw na gawain. Anong nangyayari sa akin?

Hindi na ako nakalayo pa, kaya't nagpasya akong humingi ng tulong sa Diyos upang makita kung ano ang nangyayari. Bumalik sa aking isipan ang mga masasakit na komento at mga puna ng isang kamag-anak isang taon na ang nakakalipas. 

Doon ba galing ang lahat ng nabuong kabigatan? Binigyan ako ng aming biyahe ng oras upang mapagtanto na naniwala ako sa mga komento at hinayaan ko ito na pagtibayin ang aking mga di-tiyak na saloobin. Nagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko ipinagtanggol ang aking sarili, ngunit galit din ako dahil dinala ko iyon nang matagal na panahon. At galit na hinayaan kong makaapekto ito sa sarili kong pamilya. Ngunit ang galit sa aking sarili ay hindi din nakakabuti upang mapawi ang kabigatan. 

Sa wakas, nagpasya akong simulan ang pagdarasal para sa taong nakasakit sa akin. Maaaring hindi ito makapagpabago sa kanya, ngunit tiyak na makakapagpabago ito sa akin, naisip ko sa aking sarili. Nagpasya akong simulan ang paghikayat sa kanila dahil marahil ang kanilang mga komento ay nagmula  sa aking mga di-tiyak na saloobin at sakit na naramdaman ko din. Ito ay isang mas mahusay na daan. Ang daan ng Diyos. 

Nagpasya din akong magpatawad. Sinabi sa atin ni Jesus at ipinakita sa atin kung paano magpatawad. Pinatawad Niya ako. Pitumpu't pitong beses sa isang araw, ang sukat kung gaano karaming beses na dapat tayong magpatawad sa isa't-isa ayon sa Kanya. Sa madaling salita, dapat nating patawarin ang bawat isa habang kinakailangan nila ng kapatawaran. 

Ang aming sasakyan ay mas magaan sa taong ito dahil hindi ko na dala-dala ang bigat ng pangamba at sakit. Sa halip, dala-dala ko ang Kanyang kapayapaan, presensya, at liwanag.

Ano ang relasyon sa iyong buhay na lumilikha ng kabigatan? Paano mo papayagan si Jesus na maibsan ang kabigatang ito?

Christi, naglalakbay nang may kagaanan ng loob ngayon Pasko.

Isaalang-alang: Sino ang mas madalas mong ipagdarasal? Paano mo sila patatawarin?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Travel Light

Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/