Magaang PaglalakbayHalimbawa
Pagpapalaya sa Pag-aalala at Pagsisisi
Uy, ikaw. Huwag kang mag-alala tungkol dito. Anuman ito, huwag kang mag-alala.
Madaling sabihin, para sa 'yo, ang iniisip mo.
Sa totoo lang, hindi madali. Dinanas ko ang pagkabalisa at OCD araw-araw. Kahit na sa pinakamainam kong araw nararamdaman ko pa rin iyon,. Gayunman, ang mabuting balita ay hindi dito nagtatapos ang kuwento.
Hindi tayo nilikha ng Diyos upang mamuhay sa takot. Hindi ko sinasabi na walang nakakatakot sa buhay na ito. Hindi ko sinasabing hindi ako nag-aalala tungkol sa hindi maaayos na mga relasyon, pinansyal na pagkawasak, napalampas na mga pagkakataon o maraming iba pang mabibigat na bagay. Ngunit ang takot na iyon, kapag dinala mo, lumalaki at patuloy na lumalaki sa hinaharap na madalas humahantong sa mga pagpapasyang lumilikha ng panghihinayang tungkol sa nakaraan.
Natuklasan ko na ang pagpapalaya sa pagkabalisa ay gumagana din sa pamumuhay na walang pagsisisi.
Narito ang susi: Hindi tayo binigyan ng Diyos ng mga kalamnan para magdala ng pag-aalala at pagsisisi, ngunit buong pagmamahal Niyang binigyan tayo ng pahintulot upang tumingin sa Kanya at sabihin, "Maaari Mo po bang dalhin ito?" Ang sagot Niya ay palaging, "Malugod. Naghihintay lang Ako na magtanong ka." Pagkatapos ay bubuksan natin ang ating mga kamay at ibibigay sa Kanya nang paulit-ulit, at paulit-ulit.
Gayundin, pwede din ba nating aminin na tayo ay magkakamali? Maraming masasamang bagay ang mangyayari, gayunpaman, ang pag-ibig ng Diyos ay higit na mas malaki kaysa sa takot.
1. Hindi lang nakaupo ang Diyos sa isang lugar upang magpasya kung paano guluhin ang iyong buhay. Ito ay kabaligtaran, dahil mahal ka Niya.
2. Kapag nangyayari ang masasamang bagay, ginagamit ito ng Diyos upang hubugin ka nang mas mahusay. Dahil mahal ka Niya.
Kung nakakaramdam ka ng takot, na parang may masamang bagay na paparating, at ang iyong unang inisip ay ang tumigil, huminto, at mag-alala — huwag. Sa halip, gamitin ang kalamnan na ibinigay ng Diyos at lumapit sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng Banal na Kasulatan, at matapat na pakikipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan.
Subukan mo ito: Manalangin nang malakas sa Diyos. Sabihin sa Kanya nang eksakto kung ano ang iyong ikinalulungkot o ikinababahala. Sabihin mo sa Diyos na nagtitiwala ka sa Kanya. Pagkatapos, paalalahanan mo ang iyong sarili ng ilang katotohanan kung sino ang Diyos at kung sino ka na Kanyang ginawa.
Tommy, hindi tinukoy ng pagkabalisa
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.
More