Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magaang PaglalakbayHalimbawa

Travel Light

ARAW 3 NG 7

Paglimot sa Kahihiyan

Naalala ko ito nang malinaw. Hiniling ko sa isang tao na aking iginagalang na ipanalangin ako. Nang tinanong niya kung patungkol saan, ang akin lamang naisip na sabihin ay mayroon akong nararamdamang isang bagay na mali sa akin. Na para bang may isang malalim na bagay, sa ikabuturan ng aking pagkatao, na mali sa akin. Ako ay may sapat nang gulang, ngunit wala akong ganap na paliwanag tungkol dito. 

Ito ay ang kahihiyan. 

Upang maging malinaw, hindi ito pagkakonsensya. Ang makonsensya ay patungkol sa pagkilala na ika’y nagkamali. Ang kahihiyan ay ang pakiramdam na ikaw ay isang pagkakamali. Malaking pagkakaiba.

Ang kahihiyan ay pinaniniwala tayong ang tunay na pagkatao ay dapat manatiling nakatago, dahil walang may nais na makaalam ng ating tunay na pagkatao. Iniiwan tayo nitong may takot sa kaisipang ang ating pagkatao ay ang eksaktong nakikita ng Diyos. Iyon mismo ang aking nararanasan dahil sa mga bagay na sinabi at nagawa sa akin noong matagal na panahon na. Ang mga salita at pagkilos na iyon ay nakatanim sa akin at naging isang maling pananaw sa sarili kong imahe.

Narito ang ilang katotohanan: nakikita ng Diyos ang ating tunay na pagkatao, bawat pulgada ng ating pagkatao, ngunit binubuksan pa rin Niya ang Kanyang mga bisig nang may pagmamahal para sa atin. Kapag tinitingnan Niya ang bawat isang sumusunod kay Cristo, ang nakikita Niya ay mga anak na walang dungis dahil namatay si Jesus bilang kapalit sa ating lugar ng kahihiyan. Ako, tayo, ay maaaring limutin na ang kahihiyan at yakapin ang halaga na ibinigay Niya sa atin.

Napakaganda nito sa pandinig, tunay nga, ngunit narito ang natutunan ko. Ang paglimot sa kahihiyan ay hindi "isang beses lang at tapos na" na uri ng pagbabago. Para sa akin, ang kahihiyan ay unti-unting nawawala habang napapagtanto ko at iwinawaksi ang bawat kasinungalingan na pinaniwalaan ko. Pagkatapos, sinusuri ko ang bawat kahihiyan papalayo sa akin habang aking natutuklasan at nabubuksan ang mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos upang palitan ang bawat kasinungalingan. 

Ang paglimot sa kahihiyan ay maaring hindi mabilis, madali, o simple, ngunit ito ay magaan. Hindi bibilhin ng Diyos ang basura na pinaniwalaan mo tungkol sa iyong sarili, kundi aalisin Niya ito para sa iyo, kung hahayaan mo Siya.  

Amanda, inaalis ang kahihiyan

Aksyon: Tukuyin ang mga kasinungalingan na pinaniwalaan mo at simulang mabuhay at ihayag ng mga katotohanan ng Diyos. www.life.church/declarations

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Travel Light

Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/