Magaang PaglalakbayHalimbawa
Pagpapalaya sa … Lahat
Nakapag-backpacking ka na ba? Napakasaya nito at madalas na humahantong sa nakamamanghang mga patutunguhan. Kapag nag-backpacking ka sa unang pagkakataon, mabilis mong mapapagtanto na ang lahat ng iyong dinadala ay bagay na binubuhat mo. Sa loob ng milya-milyang lakarin. Madalas ay pataas sa bundok. Alam ng karamihan sa mga backpacker na hindi mo maaaring dalhin ang lahat ng gusto mo. Alam ng mga may karanasang backpacker na hindi mo maaaring dalhin ang lahat ng iniisip mo na kailangan mo.
Bawat onsa ay binibilang.
Hindi masyadong naiiba sa buhay, di ba? Kadalasan, sinusubukan kong dalhin ang mga bagay na hindi inilaan ng Diyos na dalhin ko. Alam kong hindi gusto ng Panginoon na dalhin ko ang pagkawasak sa pamilya, kabigatan sa pananalapi, pagsisisi sa mga maling desisyon, mga hindi naabot na layunin sa trabaho, at kung anupamang sinusubukan kong kunin ngayon.
Malinaw na hinihiling ng Diyos na ibigay natin ang ating mga bagahe sa Kanya (1 Pedro 5:7) at tanggalin ang anumang bagay na nagpapabagal sa atin (Mga Hebreo 12:1). Hindi kapani-paniwalang isipin na ang nais ng Diyos sa atin ay itapon ang lahat ng humahadlang sa atin. Ngunit bakit nais ng Diyos na maglakbay tayo nang walang pasanin? Bakit kinukuha Niya ang ating mga takot, kahihiyan, pagkagumon, panghihinayang, at mga isyu sa pagkokontrol?
Kapag naghahanda ka ng iyong bagahe para mag-backpacking, lahat ng iniiwan mo ay lugar para sa iba. Ang gusto ng Diyos ay ang mas malaking lugar sa ating mga buhay para sa Kanya.
Ito ay isang kamangha-manghang kalakalan kung iisipin mo; ibinibigay natin ang ating mga pasanin sa Diyos at ibinibigay Niya ang sarili Niya sa atin. Kadiliman para sa liwanag. Tensyon para sa kapayapaan. Galit para sa kagalakan. Kalungkutan para sa kalayaan. Gayunpaman, habang mas marami tayong dinadala mula sa Kanya, ang mas nagiging magaan ang dinadala natin.
Anong mga bagay na napulot mo sa daan ang nagpapabigat sa iyo? Hindi mo na kailangang dalhin pa ang mga ito. Maaari mong ipagpalit ang mga ito para sa higit pa ng Diyos. Anong gusto mong dalhin na hindi naman sa iyo? Paano ka magtitiwala sa Diyos dito? Ano ang inaakala mong kailangan mo ngunit wala kang lakas na dalhin? Paano mo hahayaan ang Diyos at ang iba na bawasan ang bigat sa iyong balikat?
Matt, nakakabawi mula sa sobrang dalahin
Manalangin: O Diyos ko, gagawin ko ang kagustuhan Mo. Sisimulan kong pagtiwalaan ka sa(ilagay ang kabigatang nais mong mawala). Salamat sa pagbubuhat sa akin at sa pag-alalay sa akin. Amen.
Makinig sa mga mensahe at kumuha ng mga materyales tungkol dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.
More