Magaang PaglalakbayHalimbawa
Pagbitiw sa Pagkontrol
Ilang buwan na ang nakakalipas, tinatapos ko ang isang internship sa aking simbahan. Ito ay hindi kapani-paniwala, ngunit wala akong ideya kung ano ang susunod. Patuloy akong nagtatanong (kung minsan ay nagsasabi) sa Diyos kung ano ang susunod, at tila Siya ay patuloy na sumasagot, ngunit ang Kanyang sagot ay walang katuturan sa akin. Kaya, ipinalagay kong hindi tama ang naririnig ko.
Nawawalan ako ng kontrol sa gusto ko. Hindi sumusunod ang Diyos sa aking plano sa buhay!
Naaalala ko ang ina ni Jesus. Naiisip mo ba? Hindi napagpasyahan ni Maria na maging isang tinedyer na buntis na walang pang asawa. Hindi niya napagpasyahan kung paano tutugon ang kanyang mapapangasawa at alam na hindi siya ang biyolohikal na ama. Hindi niya makontrol ang mga opinyon ng iba, at sigurado akong may mga opinyon ang mga ito.
Sa wakas, napagpasyahan kong bumitaw sa paghawak sa aking hinaharap at itinaas ko nang bukas and aking mga kamay sa Diyos. Katulad ng kay Maria na nagsabing—mangyari ito sa akin alinsunod sa Iyong kalooban.
Hindi ako dapat nagulat, ngunit hindi binago ng Diyos ang Kanyang sagot. Patuloy Niya akong inaakay na lumipat sa isang bagong lungsod kung saan wala akong trabaho, walang pamilya, walang mga kaalaman, at walang tirahan.
Si Maria at Jose ay gumawa ng isang katulad na paglalakbay sa Ehipto, maliban sa sila ay tumatakbo upang protektahan ang buhay ng kanilang anak, na nangyari ring nag-iisang Anak ng Diyos.
Lubos akong naguluhan, ngunit nagsimula akong gumawa ng mga hakbang upang sumunod. Muli, hindi ako dapat nagtaka, ngunit nakakita ako ng isang matitirhan, mga kasama sa bahay, isang trabaho, at ngayon ay isa na akong boluntaryong pinuno sa simbahan.
Naging maayos din ang pangyayari para kina Maria, Jose, at Jesus!
Lokasyon man ito, karera, pananalapi, pagiging magulang, mga relasyon, o kahit mga libangan na kinagigiliwan ko—basta nasa ganap kong kontrol, ang mga piraso ay tila hindi napupunta sa tamang lugar.
Patuloy kong iniikot, binabaliktad, at sinusubukang isiksik ang aking maliit na piraso ng palaisipan sa aking napiling lugar, ngunit hindi ito magkasya. Ang Diyos, sa kabilang banda, ay may pinakamahusay na pagtingin sa palaisipan. Ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang mga piraso mula ngayon. Hayaan na.
Kaelyn, hindi kontrolado
Isaalang-alang: Ano ang isang bagay na natatakot kang mawala? Ano ang isang bahagi ng iyong buhay kung saan hindi makatuwiran sa iyo ang mga sagot ng Diyos? Ano ang iyong unang hakbang para bumitiw sa pagkontrol?
Tungkol sa Gabay na ito
Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.
More