7 Araw ng Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa
Ito'y isang pangako: matatagpuan mo ang kapahingahan!
Ngayon, naabot na natin ang wakas ng isang linggong patungkol sa paghahanap ng kapahingahan, batay sa pag-aaral ng Mateo 11:28-29. Tanggapin mo ang bagong pagpapalakas ng iyong loob ngayon.…
Sabi ni Jesus sa Kanyang Salita, ““Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan.”” (tingnan sa Mateo 11:28-29)
Ito'y isang pangako: makakatagpo ka ng kapahingahan. Anuman ang mga pasaning nagpapabigat sa'yo o mga paglalaban ng damdamin sa loob mo...ang Diyos ay ginawang tao para dalhin ang lahat ng ating mga kahinaan. Walang problema ang tao na hindi kayang solusyunan dahil ang Diyos mismo ay naging tao.
Ang kapahingahan ay may tatlong aspeto. Dapat na makita ito:
- Sa loob mo: ang iyong mga alalahanin ay wala nang kapangyarihan sa iyo, sa iyong mga desisyon, o sa iyong ugali.
- Kasama mo: hindi ka perpekto at hindi mo kayang dalhin ang lahat sa sarili mo lamang: And Diyos ay nariyan para kunin ang renda sa'yo at gabayan ka, sa bawat hakbang.
- Para sa'yo: sa sandaling mahanap mo ang kapayapaan na nangggagaling sa taas, mas komportable ka nang magtungo sa mga relasyon at sitwasyon na umaayon sa kapayapaang ito.
Ano ang natutunan mo sa isang linggong ito ng ating pag-aaral patungkol sa banal na kapahingahan? Inaanyayahan kitang isulat ang lahat ng ipinakita ng Panginoon sa iyo nitong nakaraang 7 araw at ibahagi ito sa akin dito, sa pahinang ito. Tandaan na Siya ang may kontrol ng lahat!
Salamat at narito ka!
Eric Célérier
P.S. Ito ang huling araw ng gabay sa pagbabasa na ito sa Bible app. Iniimbitahan kita na mag-subscribe sa 'A Miracle Every Day' para patuloy na makatanggap ng mga mensaheng nakakapagpalakas ng loob araw-araw. Para mag-subscribe, mag-click dito! Makakatanggap ka ng E-book pagkatapos mong mag-subscribe.
At, malaya kang ibahagi ang iyong mga saloobin patungkol sa gabay sa pagbabasa na ito. Mag-click dito para gawin ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito tungkol sa 'paghahanap ng kapahingahan' ay nababatay sa mga salita ni Jesus sa Mateo 11:28-29. Ipinangako ni Jesus na kung lalapit ka sa Kanya, makakatagpo ka ng kapahingahan. Ang layunin ng mga mensaheng ito ay ang tulungan kang matagpuan ang tunay na kapahingahan, ito man ay pisikal, mental, o emosyonal. Simulan natin ang seryeng ito!
More