7 Araw ng Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa
Hayaan mong turuan ka ng pinakamahusay na guro sa buong mundo!
Sinabi ni Jesus sa Kanyang Salita, ““Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo, sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan.”” (tingnan ang Mateo 11:28-29)
Hayaan mong tanungin kita: kung mayroon kang malalang karamdaman, kanino ka pupunta? Kuntento ka na bang pumunta sa kahit sinong doktor, o hahanapin mo ang pinakamahusay na espesyalista sa kailangan mong tulong?
Sigurado akong lahat tayo'y gugustuhing pumunta sa kanyang pinakamahusay sa kanyang ginagawa...wala sa ating gugustuhing ipagkatiwala ang kalusugan natin sa isang taong hindi ibibigay ang lahat o kulang sa kakayahan.
Kumusta naman ang ating pananampalataya? Upang makapanatili, ang pananampalataya ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na pagtuturo, at ang pinakatiyak na pagmumulan ng pagtuturo ay ang Guro mismo, si Jesus. Gusto Niyang turuan tayo sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig.: “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.” (tingnan ang Awit 32:8)
Ano ang kailangan Niyang ituro sa atin? Si Pedro na nakaunawa ng pinakadiwa ng katuruan ni Jesus, ay nagsabi ng, “...“Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.”” (tingnan sa Juan 6:68)
Narito ang gusto ng Panginoon na ituro sa iyo ngayon…
- Ang pahinga ay ang malaman kung paano huminto.
- Ito ay pagtigil sa pagkabalisa, sa pakikipagbuno.
- Ito ay pagbibitaw, pag-aalis.
Tulad ni Maria, huminto ka sa paanan ni Jesus at piliin ang mabuting bahagi: hayaang turuan ka Niya mismo na may mga salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Ngayon, hinihikayat kita na pumasok sa lihim na dako, sa iyong silid, at ilagay ang iyong pasanin sa Kanyang paanan. At sa paglabas mo, iwanan ang iyong problema kay Jesus sa silid mo. Sabihin mo sa Kanya...ngayon, Ikaw na ang Siyang bahala rito!
Salamat at narito ka!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito tungkol sa 'paghahanap ng kapahingahan' ay nababatay sa mga salita ni Jesus sa Mateo 11:28-29. Ipinangako ni Jesus na kung lalapit ka sa Kanya, makakatagpo ka ng kapahingahan. Ang layunin ng mga mensaheng ito ay ang tulungan kang matagpuan ang tunay na kapahingahan, ito man ay pisikal, mental, o emosyonal. Simulan natin ang seryeng ito!
More