Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw ng Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa

7 Days Of Finding Rest

ARAW 2 NG 7

Alam mo ba kung ano ang pinakamabigat na pasanin sa lahat?

Sabi ni Jesus sa Kanyang Salita, ““Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapanat nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.”” (tingnan ang Mateo 11:28-29)

Kung masusukat mo ito, gaano kabigat ang pasanin mo?

  • Ilang mga libra kaya ang sakit mo?
  • Ang pagkakawatak-watak ng iyong pamilya?
  • Ang sitwasyong pinansyal sa mga balikat mo, na nagbabantang dumurog sa iyo?

May mabuting balita para sa iyo at dalangin kong mahikayat ka nitong itaas ang iyong mga mata sa Diyos: “Sa araw na iyon aalisin sa iyong balikat ang pahirap na ginagawa ng Asiria at wawasakin na ang pamatok sa iyong leeg. ” (tingnan ang Isaias 10:27)

Dumating si Jesus para palayain tayo sa lahat ng hindi natin kailangang pasanin: kabagabagan dahil sa kasalanan, paghahambing, pagseselos, at marami pang ibang bagay na naghahatid ng paghihirap sa ating buhay. 

Dumating si Jesus para bigyan tayo ng kasaganaan at kaganapan sa buhay. Hindi Siya dumating na nangangako ng madaling buhay kundi isang buhay na lumalakad Siya sa tabi natin.

Kapag sinuma na ang lahat, ang pinakamabigat na pasanin ay ang mabuhay nang wala si Jesus...dahil sa Kanya at sa pamamagitan Niya ay kapayapaan, kagalakan, pananampalataya, kapanatagan. Ang katiyakan na hindi ka kailanman nag-iisa dahil nandiyan Siya! Binabantayan ka Niya. Iniingatan ka Niya. Mahal ka Niya.

Ang dalangin ko para sa iyo ngayon ay ang simpleng mapanghawakan mo ang pangakong ito: Ang Diyos ay kasama mo, araw-araw, hanggang sa katapusan ng panahon. (tingnan ang Mateo 28:20)

Manalangin tayong magkasama…“Panginoon, alam Mo ang aking puso, alam Mo kung gaano Kita kamahal. Alam ko na narito Ka kasama ko, at nais kong maranasan Ka nang higit pa sa buhay ko. Ibinibigay ko sa Iyo ang lahat ng nagpapabigat sa buhay ko, at naghihintay ako sa Iyo nang buong pag-asa. Oo, umaasa ako, Panginoon! Salamat po...Alam ko na kumikilos Ka dahil ito ang pangako Mo sa Iyong Salita! Sa Iyong pangalan, ako ay dumadalangin. Amen.” 

Salamat at narito ka!

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days Of Finding Rest

Ang gabay sa pagbabasa na ito tungkol sa 'paghahanap ng kapahingahan' ay nababatay sa mga salita ni Jesus sa Mateo 11:28-29. Ipinangako ni Jesus na kung lalapit ka sa Kanya, makakatagpo ka ng kapahingahan. Ang layunin ng mga mensaheng ito ay ang tulungan kang matagpuan ang tunay na kapahingahan, ito man ay pisikal, mental, o emosyonal. Simulan natin ang seryeng ito!

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://bit.ly/miracle-jesusnet-findingrest/