7 Araw ng Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa
Ang totoong kapahingahan ay ang hayaan ang Diyos na "gumawa"...
Sabi ni Jesus sa Kanyang Salita, ““Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan.”” (tingnan ang Mateo 11:28-29)
Ang ating Diyos ay walang hanggan sa pagiging mapagbigay: Siya'y nagbibigay at nagpapatawad, at isinuko Niya ang Kanyang buhay para sa atin.
Sa krus, sinabi ni Jesus, ““Naganap na!”” (tingnan ang Juan 19:30)
Kahanga-hangang deklarasyon! Lahat ng kailangang gawin ni Jesus sa lupa, natupad Niya....
- Kinargo Niya ang iyong mga pasanin, iyong kalungkutan, iyong mga kasalanan, iyong paghihirap, iyong karamdaman.
- Ibinalik Niya sa iyo ang karapatan ng ugnayan sa Kanya at sa Kanyang Ama.
- Binuhay Niyang muli ang iyong mga mithiin.
Narito ang idineklara ni Haring David: “pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan; at inaakay niya sa tahimik na batisan.” (tingnan ang Awit 23:2)
Ang panginoon ng ating kapahingahan ay ang Diyos. Alam Niya kung paano tayo aakayin kung saan makakahanap ang ating mga kaluluwa at katawan ng kapahingahan.
Oo...kapahingahan, ang ating tunay na kasiyahan, ay ang pagiging malapit kay Jesus, ang mabuting Pastol. Ang tunay na kapahingahan ay ang hayaan angDiyos ang gumawa ng “paggawa.”
Kung nais mo, maaari kang manalanging kasama ko ngayon din para bitawan ang anumang nagpapabigat sa iyo sa Kanyang mga kamay…“Panginoong Jesus, salamat dahil lagi Kitang kasama at iniingatan ako. Salamat sa Iyong mabait na presensya bawat araw. Narito ang sitwasyong kinalalagyan ko [sabihin ang iyong sitwasyon]. Buong-buo kong ibinibigay sa Iyo. Kung ako lamang, wala akong magagawa para ayusin ito. Panginoon, sa Iyo ako umaasa, binibitawan ko sa Iyo ang lahat nang may tapat na pananampalataya. Salamat sa Iyong tulong at pagbibigay ng lakas ng loob at sa pagkilos Mo sa buhay ko ngayon. Sa pangalan ni Jesus, Amen”
Salamat at narito ka!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito tungkol sa 'paghahanap ng kapahingahan' ay nababatay sa mga salita ni Jesus sa Mateo 11:28-29. Ipinangako ni Jesus na kung lalapit ka sa Kanya, makakatagpo ka ng kapahingahan. Ang layunin ng mga mensaheng ito ay ang tulungan kang matagpuan ang tunay na kapahingahan, ito man ay pisikal, mental, o emosyonal. Simulan natin ang seryeng ito!
More