7 Araw ng Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa
Ang kahinahunan ni Jesus ay nagpapalakas sa'yo
Sinabi ni Jesus sa Kanyang Salita, ““Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo, sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan.”” (tingnan ang Mateo 11:28-29)
Sinabing mahusay ni Adolphe d'Houdetot: “Ang totoong pagpapakumbaba ay hindi nananatiling lihim; ito'y humahalimuyak tulad ng isang bulaklak ng tagsibol na nakukubli sa mga damo.”
Ang kapakumbabaan ang tunay na kagandahan ng kaluluwa. Ang pagpapakumbaba at kahinahunan ay hindi gumagawa ng ingay sa kanilang pagdating. Ginagawa ng mga itong posible ang makahanap ng kapahingahan...hindi tulad ng galit at pagkapalalo na nakakapagod sa kaluluwa.
Ang pinakamahusay na guro ng kapakumbabaan at kahinahunan ay ang Siyang nagsakatawang-tao ng mga katangiang ito. Ito ang sinasabi ng Diyos tungkol kay Jesus: ““Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at labis na kinalulugdan! Ibinuhos ko sa Kanya ang aking Espiritu; at Siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa. Hindi Siya makikipagtalo o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan. Ang marupok na tambo'y hindi Niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin; katarungan para sa lahat ang kanyang paiiralin.”” (Isaias 42:1-3)
Hindi sumisigaw si Jesus...Hindi Niya gustong marinig sa pamamagitan ng dahas. Mahinahon Siya.
Hindi ka sinisira ni Jesus. Sa halip, pinanunumbalik ka Niya sa dati; pinanunumbalik Niya ang iyong kaluluwa sa dati. Hindi Niya papatayin ang aandap-andap na ilaw...at kung ang natitira na lamang sa'yo ngayon ay pumipintig na puso, may pag-asa ka pa. Palaging may magandang bagay na kayang gawin ang Diyos sa iyo.Ngayon, nang may kahinahunan, itinataas ka Niya at ipinanunumbalik sa dati. Ang pahirap para magkaroon ka ng kapayapaan ay dinanas at tinanggap Niya...hindi ka na dapat matakot kailanman.
Salamat at narito ka!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito tungkol sa 'paghahanap ng kapahingahan' ay nababatay sa mga salita ni Jesus sa Mateo 11:28-29. Ipinangako ni Jesus na kung lalapit ka sa Kanya, makakatagpo ka ng kapahingahan. Ang layunin ng mga mensaheng ito ay ang tulungan kang matagpuan ang tunay na kapahingahan, ito man ay pisikal, mental, o emosyonal. Simulan natin ang seryeng ito!
More