Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 9 NG 280

BASTA SABIHING "HINDI"

Pagkalaki-laki ng kailangang panahon at lakas sa pagpapalaki ng mga anak. Ang trabaho ay maaaring nagsisimula bago pa man sila gumising sa umaga at natatapos sa oras na matagal na silang tulog. Maliban pa roon, tinutupad din natin ang mga pangangailangan ng ibang miyembro ng pamilya, kasamahan sa trabaho, at mga kaibigan.

Alam ni Jesus ang sukat ng kapaguran mo. Dinumog Siya ng napakarami noong madiskubre nilang nakakapagpagaling Siya ng mga may sakit at nakakagawa ng mga himala. Sari-saring paraan ang ginawa ng mga tao mahawakan lang Siya o makuha ang Kanyang atensiyon (tingnan ang Lucas 5:18-19). Naunawaan ni Jesus ang napakalaking pangangailangan sa Kanyang panahon.

Ngunit, alam din ni Jesus na ang tanging paraan na matugunan Niya ang kanilang panganagilangan ay ang mapag-isa sa piling ng Kanyang Ama sa pamamahinga, pagdarasal at pagtitipon ng lakas. Hindi iyon pagdaramot; iyon ang pinakamapagmahal na bagay na maaari Niyang gawin para sa Kanyang mga anak. Binigyan Siya nito ng sigla at lakas na harapin ang kanilang iba't ibang mga suliranin.

Minsan ang magsabi ng "hindi" sa iyong mga anak upang mapag-isa sa piling ng Ama sa Langit ang pinakamapagmahal na maaari mong gawin.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com