Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 12 NG 280

KAPANGYARIHANG MULA SA BANAL NA ESPIRITU

Ang pagiging magulang ay isang napakahirap na trabaho, subalit kasama natin ang pinakamabisang Katulong na siyang gagabay sa atin. Noong tayo'y naging mananampalataya, tayo'y pinuspos ng pinagmumulan ng karunungan sa pagiging mga magulang — ang Banal na Espiritu. Kapag may kinakaharap tayong matitinding pagpapasya tungkol sa pagpili, kahihinatnan, o pagkakaroon ng kaunawaan, nalalaman ng isang Cristianong sapat na ang gulang na ang pagbaling sa "Banal na Espiritu na nagmumula sa Diyos," sa halip na sa "espiritu na nagmumula sa mundo" ay nagbubunga ng isang uri ng katugunan na maaaring imposibleng makamit sa sariling kapangyarihan. Kapag tayo'y bumabaling sa Banal na Espiritu bago tayo bumaling sa ating mga anak, makakaya nating magsalita nang may karunungang nanggagaling sa Diyos, sa halip na magsalita nang nagmumula lamang sa "karunungan ng tao."

Walang mga gabay sa pagiging magulang na mas mahalaga pa kaysa sa Banal na Espiritu at sa panalangin.

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com