Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 16 NG 280

ANG KAHATULAN AT ANG KAPALALUAN

Ang iglesia sa Corinto ay puno ng kapalaluan. Sila ang sentro ng pandaigdigang pangangalakal, sining at pilosopiya at ipinagmamalaki nila ang mga bagay na kanilang nakamit at nakuha. Ikinukumpara nila ang kanilang sarili sa isa't-isa at kanilang hinuhusgahan ang kinalabasan nito. Ang kanilang kapalaluan ay nagdala sa kanila upang maging malupit ang paghusga nila sa iba kung kaya't ito'y nagdulot ng pag-aaway at pagpapangkat-pangkat.

Sinagot ni Pablo ang kanilang makamundong kapalaluan nang may espiritwal na pananaw. Hindi niya inintindi kung matagumpay siya sa tingin ng mundo. Ni hindi niya pinagtitiwalaan ang sariling paghuhusga sa katagumpayan. Ang lahat ay isinuko niya sa hukuman ni Jesucristo, at hinayaang Siya ang maging hukom.

Naghahatol ka ba o nahahatulan ka ba ayon sa pamantayan ng mundo? Nagiging labis ba ang iyong panunuri sa iyong sarili o ang iyong pagbati sa iyong sarili? Magpasakop ka sa Diyos at tandaang Siya lamang ang nakakabatid sa iyong puso (1Sam.16:7).

Mabuhay kang tila ikaw ay nagpapatotoo sa hukuman ni Jesus. Iyan ang huwarang kailangang makita ng iyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com