Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 15 NG 280

ANG PAGSUKO

Maaaring pinupwersa natin ang ating mga sarili upang makapagpalaki ng mga anak na "matagumpay", at wala namang duda na ang pagiging magulang ay humihingi sa atin ng matinding pagpupunyagi. Subalit, ano nga ba talaga ang ating papel sa prosesong ito? Sa taludtod na ito, ipinaliwanag ni Pablo ang papel ng isang guro. Naniniwala kami na ito ay naaangkop din sa pagpapamilya.

Ang mga magulang ang mga kinatawan ng Diyos sa isang tahanan, at ang kanilang papel ay napakahalaga. Subalit sa kadulu-duluhan, kailangan nating isuko sa Diyos ang magiging bunga nito sapagkat Siya naman ang nag-iisang "gumagawa upang magkaroon ito ng paglago". Palalakihin Niya ang ating mga anak ayon sa Kanyang panukala. Maaaring mahirap para sa atin na isuko ang ating plano para sa ating mga anak at hayaan ang Diyos na magplano para sa kanila, subalit kalooban ng Diyos na sila'y unti-unting hindi na umasa sa atin at lumago ang kanilang pag-asa sa Kanya.

Hindi mo mapipilit ang iyong anak na lumaking maka-Diyos, ngunit maaari kang maging isang magulang na maka-Diyos. Gamitin mo ang karanasan ng iyong mga anak, ang iyong mga halimbawa at ang iyong mahinahong paggalugad sa "pagtatanim at pagdidilig" sa iyong mga anak, at isuko mo ang magiging bunga nito sa Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com