Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
KAHINAAN LABAN SA KALAKASAN
Ang pakahulugan ng mundo sa katagang "kalakasan" ay ibang-iba sa ibinibigay na kahulugan ng Diyos. Halimbawa, ipinapaliwanag ng ating kultura ang kalakasan bilang isa sa mga makabuluhang katangian na pinahahalagahan nito ng husto — kasama ng salapi, kapangyarihan, kagandahan at kasikatan. Ang ating mga anak ay dinadagsa ng sangkatutak na imahe mula sa media ng kaisipang ang isang matagumpay na tao ay yaong may kalakasan sa mga katangiang ito.
Ngunit ang mga katangiang ito ay hindi binigyang-halaga ni Cristo. Naparito siya upang maglingkod, sa halip na paglingkuran, at upang ibigay ang kanyang buhay para sa atin. Hindi naunawaan ng mga taga-Corinto ang ganitong uri ng kalakasan. Iniisip ko tuloy kung tayo ba ay may ipinagkaiba sa kanila.
Sa ating pagbabasa ng Sermon sa Bundok (Mateo 5-7) ipinaalala sa atin kung sino ba talaga ang tinatawag na malakas — yaong mga taong hindi umaasa sa kanilang sariling kalakasan, sa halip sila ay umaasa sa Diyos na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Turuan ninyo ang inyong mga anak ng pagkaunawang nanggagaling sa Diyos tungkol sa malakas o matatag na tao — yaong taong sumusuko sa Kanya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com