Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 18 NG 280

UNAHIN ANG DIYOS

Bigyang-pansin natin ang kaisipan sa likod ng mga Salitang ito, kaysa sa mas mahirap na katuruan nito tungkol sa pag-aasawa. Naunawaan ni Pablo ang tensiyon na kakaharapin ng isang babae o lalaki na may asawa at pamilya. Ang mga tungkulin na nakadugtong dito ay magsasanhi na mahati ang atensiyon sa pagitan ng panlupang pamilya at ng Diyos. Iyan ang tensiyon na dinaranas nating lahat.

Sa kabilang banda, malinaw na tayo'y unang tapat sa Diyos, pagtitiwalaan Siyang tulungan tayo sa lahat ng ibang responsibilidad. Ang susi ay sa pagpapananatili ng pokus sa paglalakad sa kalooban ng Diyos, at sa pagmomodelo ng pagtangkilik na iyan sa buong pamilya.

Hindi natin maaaring isawalang-bahala ang ating mga responsibilidad bilang mga magulang, ngunit maaari nating ilagay ang pamilya sa tamang kalalagyan, na nakasunod sa Diyos, sa antas ng ating pagmamahal at atensiyon.

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com