Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
KAALAMAN LABAN SA KARUNUNGAN
Ang edukasyon ng ating mga anak ay maaaring isang bagay na labis nating pinagtutuunan. Nagsusumikap tayong ipasok sila sa tamang paaralan, simula pa lamang sa "preschool" tuluy-tuloy hanggang sila'y nasa "graduate school" na. Subalit dapat nating isaisip na ang isang kahang-hangang edukasyon ay hindi nagbibigay ng kasiguruhan ng pagtatagumpay sa mata ng Diyos. Marami sa mga paaralan ngayon, lalo na ang mga kolehiyo, ay nagtuturo sa mensahe ng krus bilang isang "kahangalan." Para sa kanila, ito'y isang tanda ng kahinaan, kadustaan at ng mababang katayuan. Bilang mga magulang, kailangan nating salungatin ang ganitong mensahe sa pamamagitan ng katotohanang ang karunugan ng mundo ay hindi makapagliligtas sa atin. Ang pinakadakilang edukasyong pang-sekular ay hindi nakukuha ang puntong ito — tanging ang krus lamang ang makapagliligtas.
Ang karunungan ay maaaaring makamtan kapag ating hinahanap ang Diyos. Kapag itinutuon natin ang ating pagsisikap sa pagtuturo sa ating mga anak ng kahalagahan ng pananaw na pang-walang hanggan, hindi na tayo gaanong mag-aalala tungko sa pananaw ng mundo tungkol sa kung saan matatagpuan ang karunungan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com