Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
KAPANGYARIHAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Binigyang-diin ni Pablo ang isang pinanggagalingan ng ating espiritwal na kalakasan — ang Salita ng Diyos. Ang pakinabangan ang kapangyarihan na ito ay tutulong sa atin na maging mga magulang ayon sa layon ng Diyos. Sikapin man nating lubos na maging mapag-damay o maunawain, madalas nauuwi tayong bigo at dismayado. Iyan mismo ang panahon na kailangan nating tahimik na tumigil sa piling ng Diyos at ng Kanyang aklat, manalangin at hanapin ang direksiyon na Siya lang ang makapagbibigay.
Ang pag-aaral ng Biblia ay maraming kahalagahan, ngunit ang berso na ito ang nangangako na palalakasin ng Salita ang ating loob. Hindi mo ba nakikita na totoo ito sa buhay mo? Ang pag-aaral ng Biblia partikular sa pagpapalaki ng mga anak ang kakatig sa iyo sa mga mahihirap na panahon ng pagiging magulang.
Ang disiplinadong pag-aaral ng Biblia ang maghahanda sa iyo sa mga haharaping mga pagsubok bilang magulang. Maging handa!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com