Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
PAGLIKHA NG "PALUGIT" SA ATING BUHAY
Noong mga unang araw pa lamang ng simbahan, naging halos imposible ang magampanan ng mga apostol ang lahat ng nakaatas sa kanila. Hindi nila makayanan ang napakaraming hiling sa kanilang serbisyo. Nang mapagtanto nilang sila ay inuunat nang higit sa kanilang kakayanan, ipinagkatiwala nila ang ilan sa kanilang mga responsibilidad sa ilang maka-Diyos na lalaki na may kakayahang hawakan ang mga ito. Pinili nila si Esteban at mga iba pa na gampanan ang pang-araw-araw na paglilingkod para magkaroon ng "palugit" na kinakailangan sa kanilang buhay sa pag-ukol sa "pananalangin at sa pangangaral ng salita" (Mga Gawa 6:4).
Gaano kadalas mong naisasantabi ang panalangin at pagmiministeryo dahil sa mga kahilingan ng iba? May pagkakataon bang ipagkatiwala ang ibang gawain sa iba?
Ang pagsasantabi ng oras kasama ang Diyos, kahit na sa piling ng pamilya, ay maaaring mag-iwan sa iyong maging hungkag at 'di-epektibo. Pangalagaan ang iyong espiritwal na kalusugan nang ikaw ay maging malakas sa mga panahon ng kabigatan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com