Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 8 NG 25

Magdahan-dahan, Makinig, Manahimik...

Ang Pasko ay maaaring maging isang napakahirap na panahon para sa mga tao sa maraming dahilan. Ang isang dahilan ay ang Pasko ay hindi palaging nakakatugon sa pananabik na dala nito. Sa katunayan, bihira itong mangyari. Maaari kang mabigo nang labis. Maraming tao ang bumabaling sa alak at droga, at tumataas ang mga pagtatangkang magpakamatay sa panahong ito ng taon.

Kung minsan, may matinding kalungkutan sa Pasko dahil sa problema sa pamilya. Baka naghiwalay na ang mga magulang mo. Baka iniwan ka na ng asawa mo. Noong nakaraang taon ay kasama mo sila, at ngayong taon ay nag-iisa ka na. O baka nawalan ka ng mahal sa buhay. Kasama mo sila noong nakaraang taon, at wala sila sa taong ito. May malalim na sakit.

Habang ang ilan ay nagsasaya sa Pasko, ang iba naman ay totoong nasasaktan. Kailangan nilang malaman na ang tunay na mensahe sa lahat ng pagdiriwang ay na ang Diyos ay dumating sa mundong ito at ipinanganak sa isang kuwadra, at pagkatapos ay pumunta Siya sa isang krus at namatay para sa mga kasalanan ng mundo. Iyan ang mensaheng ayaw nating mawala. Siya ay ipinanganak upang mamatay para tayo ay mabuhay. Nagpapako Siya sa krus, namatay, at muling nabuhay, at ngayon Siya ay nakatayo sa pintuan ng ating buhay at kumakatok.

Huwag nating ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus nang hindi Siya pinapapasok sa sarili Niyang pagdiriwang. Huwag natin Siyang tanggihan dahil sobrang abala tayo at marami tayong ginagawa. Buksan ang pinto ng iyong buhay at anyayahan Siya.

Minsan maiisip mo kung nasaan ang Diyos sa buhay mo. Iniisip mong iniwan ka na Niya. Hindi, hindi Niya ito ginawa. Siya ay narito. Siya si Immanuel—ang Diyos na kasama natin. Sa ingay ng panahon, tandaan nating magdahan-dahan lang, tumutok, manahimik, at alamin na Siya ay Diyos.

Karapatang maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang sipi ay mula sa New King James Version. Karapatang maglathala 1982 ng Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org

Mga Kaugnay na Gabay