Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 11 NG 25

Bakit Naparito si Jesus?

Ito ang abalang panahon ng taon para sa bawat tao.  Para sa ating mga Cristiano, ito ay isang nakakagalak na pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus.  Namamangha tayo sa katotohanan na nagpakaaba ang Diyos at ipinanganak sa isang yungib. Ngunit bakit Siya naparito?  

Una, naparito si Jesu-Cristo upang ipahayag ang mabuting balita sa mga espiritwal na nasasaktan, upang ipangaral ang mabuting balita sa atin.  

Naparito siya upang pagalingin ang pusong wasak.  Ang agham ng medisina ay natagpuan na ang mga paraan upang alisin ang sakit.  Ngunit walang gamot sa pusong wasak.

Naparito si Jesus upang palayain ang mga taong iginapos ng kasalanan.  Si Jesus ay naparito upang imulat ang ating matang espiritwal sa ating espiritwal na pangangailangan.

Siya ay naparito upang itaas ang mga nalugmok ng buhay.  Siya ay naparito upang bigyan tayo ng masaganang buhay.  Si Jesus ay naparito upang itaas tayo mula sa pisikal na kaharian ng ating mga pandama patungo sa espiritwal na kaharian upang ipakita sa atin na mayroon pang mas higit sa buhay.

Siya ay naparito upang ibigay ang Kanyang buhay sa atin.  Sinabi ni Jesus,  "Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami” (Marcos 10:45).  Siya ay naparito upang mamatay.  Si Jesu-Cristo ay naparito sa mundo upang hanapin at iligtas tayong mga naliligaw, tulad ng pastol na hinahanap ang kanyang tupa.  

Kaya sa lahat ng mga pagsisiksikan at pagmamadali, pagbabalot, mistletoe, at matitingkad na kulay ng mga ilaw, tayo ay pumunta sa hantungan.  Ang Pasko ay tungkol sa Diyos na nagpadala ng Kanyang Anak upang mamatay sa krus.  Siya ay ipinanganak upang mamatay, upang bigyan tayo ng masaganang buhay, upang bigyan tayo ng buhay na karapat dapat ipamuhay.

Karapatang Maglathala © 2011ni Harvest Ministries. Lahat ng karapatan nilaan.Kasulatan ay hinango sa Bersyon ng New King James. Karapatang Maglathala © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit ng may pahintulot. Lahat ng karapatan inilaan.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org

Mga Kaugnay na Gabay