Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Napakahalagang Mensahe ng Pasko
Sa panahong ito ng Kapaskuhan, sinasabi natin, "Maligayang Pasko." Mas gusto ko iyon kaysa "Maligayang Kapistahan," pero hindi ko kinokompronta ang patungkol dito. Sa halip, nais kong maging mapagbigay. Tutal, ang Pasko ay hindi palaging masaya sa bawat isa. Para sa isang tao na nawalan ng trabaho, ito ang pinakamalungkot na panahon ng taon, dahil sobra ang diin sa maligayang Pasko bilang isang materyosong bagay.
Mayroon ding mga tao na nawalan ng mahal sa buhay. Ako ay isa sa mga taong iyon, at ang mga bagay na noon sa akin ay nagpapasaya sa ganitong panahon ng taon ay nagpapalungkot sa akin ngayon. Ang mga bagay na iyon na noon ay nagdadala sa akin ng kaligayahan ay mga bagay ngayon na nagdudulot sa akin ng kalungkutan, dahil pumupukaw sila ng mga alaala ng mga panahon na kami ay magkasama. Kung kaya, ang Pasko ay nagiging mahirap na panahon para sa iba.
Maraming tao ang nangangailangan ng kasiglahan ng loob sa panahong ito ng taon. Hindi nila kailangan ng mga Pamaskong regalo; kailangan nila ng Kanyang Pamaskong presensya. Kailangan nilang mapaalalahanan kung patungkol saan ang panahong ito. Hindi ito tungkol sa mga bagay. Hindi ito tungkol sa mga regalo.
Ang mga bagay na ito ay may kalalagyan, ngunit kailangan nating tandaan ang pinakamahalagang mensahe ng Pasko, ito ay ang Immanuel—Diyos ay sumasaatin. At para sa taong nasasaktan, sa taong nag-iisa, sa taong nalulumbay, ito ang panahon ng taon para dalhin ang regalo ng pagpapasigla sa kanila at sabihing, "Ang mensahe ng Pasko ay: Ang Diyos ay sasaiyo. Tutulungan ka ng Diyos. Palalakasin ka ng Diyos."
Kaya humanap ng pagkakataon na maibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa panahong ito, dahil ito ang panahon kung kailan tayo ay mas bukas sa pakikipag-usap sa iba. Ngayon ang dakilang pagkakataon para sa iyo na magdala ng kasiglahan sa isang tao na nakikibaka sa buhay. Sino ang nangangailangan ng iyong pagpapasigla ngayon?
Karapatang Maglathala © 2011 ni Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan.Kasulatan hango sa Salin ng New King James. Karapatang Maglathala © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit ng may pahintulot. Lahat ng karapat ay inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More