Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ano ang Gusto Ko sa Pasko
Noon pa ay naniniwala na ako sa pangako ng Pasko. Noon pa ay natatangi para sa akin ang tungkol sa panahong ito ng taon, kung babalikan ang mga unang panahon ng aking kabataan.
Ano ba iyon na gusto natin ukol sa Pasko, kapag nalagpasan na natin ang mga paunang patibong?
Palagay ko ito ay ang pagkaramdam ng pagkamangha, karikitan, at pag-aabang. Ito ay ang musika, ang tingin ng pagkagulat sa mukha ng bata, at ang nakamamanghang mga pagkain. Ito ay ang pagsasama-sama ng mag-anak at mabubuting mga kaibigan. Ito rin ay kawalan ng hirap at kalupitan (iyon ay, maliban na lang sa dami ng tao kapag "Black Friday").
Pero gaano ba kadalas tumutupad ang Pasko sa kanyang pangako? Kaunti dito at doon, pero sa kabuuan, natutuloy ito sa pagiging walang katapusang instrumento ng nakakamanhid ng isip na mga patalastas saTV. Ito ay ang pag-aalitan at kagipitang kasama nito kapag obligado ka nang bumili ng regalo para sa mga tao na halos hindi natin kilala. Ito ay ang inaasahan sa atin ng ibang tao at minsan ng ating sarili.
Pagkatapos ay naroon ang malaking kabiguan pagkaraan ng Pasko— ang kabiguan sa mga inaasahan na hindi talaga matutupad. Hindi natin nakayang ibigay kung ano talaga ang gusto nating ibigay, o ang talagang gusto nilang matanggap. O ikaw man sa sarili mo ay hindi nakuha ang iyong inaasahan. At naroon din ang mga bayarin na kailangang bayaran na . . .
Kaya ano nga ba ang Pasko sa pinakamalala nito? Ito ay isang kahangalan, kalakalan, hungkag, nakakapagod at napakaluhong seremonya na tumatagal nang walang katapusan sa loob ng ilang buwan.
Ano ang pinakamainam sa Pasko? Ito ay ang pasilip sa mga bagay na darating–ang ganda, musika ng pagsamba, ang mga nakakasiyang anghel, ang pag-ibig, ang lagablab, ang pangako, ang pag-asa…lahat ng bagay na ipinangako sa atin sa buhay na darating pa.
Kaya nga, ang Pasko ay isang pangako. Ito ay ang pangako na hindi pa lubusang natutupad.
Ang Pasko ay hindi ang lahat ng ninanais natin na maging. Ito ay isang araw lamang ng liwaliw. Ang Pasko ay hindi magbibigay ng pagkakasundo sa inyong tahanan. Ang Pasko ay hindi makapagdadala ng kapayapaan sa mundo. Ang Pasko ay hindi makapagdadala ng kaligayahan.
Ngunit si Cristo mismo ang makagagawa ng lahat nito at higit pa. Iyon talaga ang hinahangad natin sa kaloob-looban natin.
• Hindi Pasko, kundi si Cristo.
• Hindi kasiyahan, kundi ang Mesias.
• Hindi kawanggawa, kundi ang Diyos.
• Hindi ang regalo, kundi ang presensya Niya.
Ano mang bagay o sino man na hindi umabot dito ay mabibigo. Ngunit hindi ka kailanman bibiguin ng Diyos.
Iyon ang gusto ko sa Pasko– si Jesu-Cristo.
Karapatang Maglathala © 2011 niHarvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang Kasulatan ay hinango mula sa New King James Version. Karapatang Maglathala © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit na may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More