Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 19 NG 25

Ang Kaloob ng Diyos sa Atin (Ika-2 Bahagi)

Ipinagdiriwang natin ang Kapaskuhan upang ikagalak ang napakahalagang kaloob ng Diyos sa atin.  Ang kapanganakan ni Jesu-Cristo ay isang regalo na dumating sa isang simpleng balot, tulad din ng isang regalo na hindi nararapat sa atin.  Ngunit ang kaloob ni Cristo ay nagpapaliwanag din ng Kanyang layunin para sa sangkatauhan.  

Ang kaloob ni Cristo ay hindi saka na lamang inisip.  Noong una pa man ay may sabsaban na sa Bethlehem, bago pa magtagpo ang mga mata nina Adan at Eba, at bago pa magkaroon ng hardin na tinatawag na Eden, nagpasya na ang Diyos na isugo ang Kanyang Anak upang mamatay sa krus para sa ating kasalanan. 

Mula pa sa simula, alam na ng Diyos na ang sangkatauhan ay hindi makakaabot sa Kanyang kaluwalhatian. Iyon ang dahilan kaya ipinapahayag ng Kasulatan na si Jesu-Cristo ay pinatay mula pa sa pagkatatag ng daigdig (tingnan ang Pahayag 13:8).  

Ang Diyos ay gumawa ng pasya mula sa pasimula na si Cristo ay darating sa mundo upang mabuhay at mamatay at muling mabuhay mula sa patay.  Ang kaloob ng Diyos ay nagpapatunay ng Kanyang layunin na iligtas tayo.

Ang Pasko ay lahat patungkol sa kaloob ni Jesu-Cristo.  Si Jesus ay lumapit sa atin nang sa gayon tayo ay makalalapit sa Kanya.  

Ang Pasko ay hindi tungkol sa mga palamuti o pamimili o regalo sa ilalim ng puno.  Ang Pasko ay tungkol sa kaloob ng Diyos na ibinigay sa puno kung saan namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan, na ibinibigay sa atin ang kaloob ng buhay na walang hanggan.  

Iyon ang Kanyang natupad.  Ito ang regalo na Kanyang ipinapaabot.  At kung tatanggapin mo ito, mararanasan mo ang pinakamasayang Pasko sa lahat.

Karapatang Magpalathala © 2011 ni Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan.Ang Kasulatan ay hinango mula sa New King James Version. Karapatang Magpalathala © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit sa pamamagitan ng pahintulot. Lahat ng karapatan inilaan.

Banal na Kasulatan

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org

Mga Kaugnay na Gabay