Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Regalo ng Diyos sa Atin (Bahagi 1)
Noong bata ka pa, ang Pasko ay tungkol sa pagtanggap ng mga regalo. Kapag Disyembre, ang laman ng iyong kaisipan ay mga larawan ng iyong mga paboritong laruan.
Ngunit ang totoong mensahe ng Pasko ay hindi ang mga regalo na ibinibigay natin sa bawat isa. Ang totoong kahulugan ay ang regalong ibinigay sa atin ng Diyos, ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
Sa susunod na dalawang araw, nais kong ituro sa iyo ang tatlong bagay tungkol sa regalong ibinigay sa atin ng Diyos sa isang maliit na sabsaban sa Bethlehem.
Ang unang bagay na nais nating mapagtanto tungkol sa regalo ng Diyos sa atin ay dumating ito sa simpleng pambalot. Ang ilang mga tao ay magsisikap upang ibalot nang maganda ang mga regalo. Ngunit ang regalo ng Diyos ay dumating sa atin hindi sa maganda at gayak na pambalot, kundi sa isang maruming sabsaban na natagpuan sa isang malamig na yungib sa isang hindi kilalang bayan na tinatawag na Bethlehem.
Iyon ang ganda ng Pasko. Inilagay ni Jesus ang Kanyang sarili sa sabsaban upang magkaroon tayo ng tahanan sa langit. Ang Tagapagligtas ay hindi balot ng mga satin, kundi sa karaniwang mga basahan. Doon sa sabsaban nagpahinga ang pinakadakilang regalo sa pinakasimpleng balot.
Ang pangalawang bagay na nais kong ituro tungkol sa regalo ng Diyos ay hindi ito karapat-dapat sa atin. Isaalang-alang natin ito: Binigyan tayo ng Diyos ngsukdulang regalo ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo habang nagkakasala pa rin tayo laban sa Kanya (tingnan ang Roma 5: 8).
Wala tayong ginawa upang maging marapat o tumanggap sa Kanyang regalo. Iyon ang kamangha-manghang katotohanan ng Pasko. Sa kabila ng kung sino tayo, ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak "upang ang sinumang maniwala sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16).
Habang papalapit ang araw ng Pasko, magsimulang ihanda ang iyong puso para sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Tagapagligtas. Pagnilayan ang katotohanan na si Jesus ay ipinanganak upang mamatay para tayo ay mabuhay.
Copyright © 2011 ng Harvest Ministries < em> . Nakalaan ang lahat ng mga karapatan. Kinuha ang talata mula sa New King James Version. Copyright © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Nakalaan ang lahat ng mga karapatan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More