Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ibinigay ang Anak na Lalaki
Sa isang malawak na kaisipan ang Diyos ay Nasa Lahat ng Lugar, nangangahulugan na saan man tayo pumunta, Siya ay naroon. Ngunit kung gusto natin talaga na kasama natin ang Diyos, at higit na nakatitiyak, kung gusto natin manahan si Cristo sa ating puso, ay dapat talikuran natin ang ating kasalanan at maniwala sa Kanya.
Ang magandang sanggol sa sabsaban ay dumating na may inihayag na layunin, at iyon ay ang mamatay para sa kasalanan ng mundo. Nangyaring ipinanganak si Jesus upang mangyari ang kamatayan ni Jesus at, sukdulan, ang pagkabuhay na muli ni Jesus. Siya ay ipinanganak para mamatay upang tayo ay mabuhay.
Ako sa sarili ko, alam ko ang pighati na mawalan ng anak. At sa palagay ko, para sa isang magulang, wala nang mas masakit pa sa mawalan ng anak. Pinag-uusapan natin ang sakripisyo ni Jesus, at marapat kaya, sa kanyang pagdating sa mundo, isinangtabi ang Kanyang pribilehiyo ng pagka-Diyos, at kusang pumunta sa krus at namatay para sa kasalanan ng mundo. Ngunit huwag nating kalimutan ang sakripisyo ng Ama na pinagmasdan ang Kanyang Anak na naparito sa mundong ito.
Ang Isaias 9:6 ay walang pasubaling isinaad: "Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan."
Iyon ang nagbibigay sa atin ng pananaw ng langit at ng lupa. Mula sa pananaw ng mundo, sa atin ay ipinanganak ang isang sanggol. Iyon ang ating ipinagdiriwang sa Pasko. Ngunit sa pananaw ng langit, sa atin ibinigay ang Anak na Lalaki. Ipinadala ng Ama ang Anak. Ginawa Niya ito dahil mahal Niya tayo, dahil nais Niyang makamit natin ang sukdulang handog: ang handog ng buhay na walang hanggan. Ito lamang ang handog na siyang patuloy na nagbibigay.
Karapatang Maglathala © 2011 ng Harvest Ministriess. Lahat ng karapatan ay inilaan.Kasulatan ay hinango mula sa New King James Version. Karapatang Maglathala © 1982 ng Thomas Nelson, Inc. Ginamit ng may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More