Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 1 NG 25

Handa Ka Ba?

Nang sumapit ang unang Pasko, noong ipanganak si Jesus, karamihan ng mga tao ay hindi ito napansin. Siyempre, walang mga palatandaan tulad ng mga dekorasyong usa sa harap ng mga bahay. Wala pang naisulat na mga awiting Pasko. Walang makukulay at kumikislap na ilaw o bentahan sa pamilihan. Hindi nahirapan ang mga bata na makatulog nang gabing iyon, dahil gabi iyon tulad ng ibang gabi.

Ngunit ang unang Pasko ay may mga palatandaan, na nangyari noong ilang siglo na ang nakakaraan. Ang mga propetang Hebreo ay hinulaang ang Mesiyas ay darating, at sila ay tiyak sa pagtukoy na siya ay ipapanganak ng isang birhen sa maliit na nayon ng Bethlehem: “ 'Ngunit ikaw, Bethlehem Efrata, bagama't pinakamaliit ka sa mga angkan ng Juda ay magmumula sa iyong angkan ang isang mamumuno sa Israel. Ang kanyang pinagmulan ay buhat pa noong una, noong unang panahon pa' ” (Mikas 5:2).

Sa unang Pasko, tila isang pangkaraniwang araw lamang ito. Ilang panahon nang tila nanlulumo ang mga Judio. May malamig na katahimikan mula sa langit. Apat na raang taon na ang lumipas, at wala pang propeta na nagsasalita para sa Diyos. Walang mga milagrong ginawa. Nasa ilalim sila ng paniniil ng Roma. Napakadilim ng mga bagay-bagay. Panahon na para sa Mesiyas.

Ngunit nang sa wakas ay dumating Siya, napakaraming hindi nakapansin: Ang may-ari ng bahay-tuluyan. Ang mga mamamayan ng Bethlehem. Ang mga iskolar. Si Herodes. Ang buong Roma. Iilan lang ang nakabatid nito at naging handa.

Si Jesu-Cristo ay muling babalik dito sa mundo. Ang tanong ay, mas marami pa ba tayong nagawa para maghanda sa pagdiriwang ng nakaraang kaganapan kaysa sa hinaharap? Maaaring lahat tayo ay handa na para sa Pasko, ngunit handa na ba tayo sa pagbabalik ni Cristo?

Karapatang maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang Banal na Kasulatanay mula sa New King James Version. Karapatang maglathala © 1982 ng Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org

Mga Kaugnay na Gabay