Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Bakit Isang Birheng Kapanganakan Para Kay Jesus?
Minsang sinabi ni Larry King na kung pipili siya ng isang taong kakapanayamin ayon sa takbo ng kasaysayan ng tao, pipiliin niyang kapanayamin si Jesu-Cristo. Sinabi ni King na gusto niyang tanungin si Jesus "kung Siya nga ay ipinanganak ng isang birhen." Idinagdag niya, "Ang sagot sa tanong na iyon ay magbibigay-kahulugan sa kasaysayan para sa akin. Naiintindihan ni Larry King na malaking bagay ang Birheng Kapanganakan.
Kung ikaw ay isang Cristianong naniniwala sa Biblia, hindi mo maaaring balewalain ang itinuturo ng Kasulatan sa paksang ito. Dadalhin ko pa ito nang mas malalim at sasabihin na kung hindi ka naniniwala na si Jesus ay mahimalang ipinaglihi sa sinapupunan ng Birheng Maria, hindi ka talaga maaaring maging isang Cristiano.
Ito ay isang mahalagang bahagi ng doktrinang Cristiano. Kung si Cristo ay hindi ipinaglihi sa sinapupunan ni Maria sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, kung ang Kanyang biyolohikal na ama ay talagang si Jose, kung gayon Siya ay isang makasalanan. At kung Siya ay isang makasalanan, kung gayon ang Kanyang kamatayan sa krus ay hindi tumubos para sa aking mga kasalanan o sa iyo.
Ang katotohanan ay, dahil si Jesus ay mahimalang ipinaglihi sa sinapupunan ni Maria, Siya ay ganap na Diyos, ngunit Siya rin ay ganap na tao. Sinabi ni Jesus, "Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako'y Ako Nga’, mamamatay nga kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan" (Juan 8:24). Sa madaling salita, “Kung hindi ka naniniwala na Ako ang Diyos, hindi ka talaga isang mananampalataya.”
AKO ay sariling pahayag ng Diyos tungkol sa Kanyang sarili. Nang gustong malaman ni Moises kung ano ang sasabihin kapag tinanong ng mga tao kung sino ang nagpadala sa kanya, sinabi sa kanya ng Diyos, "AKO'Y SI AKO NGA. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘AKO NGA’ " (Exodo 3:14).
Kaya naman ang Birheng Kapanganakan ay napakahalagang pagtuturo. Si Cristo ay hindi Diyos dahil Siya ay ipinanganak ng isang birhen; Siya ay ipinanganak ng isang birhen dahil Siya ay Diyos.
Karapatang maglathala © 2011 by Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang sipi ng Banal na Kasulatan ay mula sa Banal na Biblia, New Living Translation, Karapatang maglathala 1996, 2004, 2007. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. Lahat ng karapatan ay inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More