Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Isang Banal na Buhay sa isang Hindi Banal na Lugar
Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos!" (Lucas 1:30)
Kung si Jesus ay ipinanganak ngayon, sa palagay mo ba ay saang siyudad kaya Siya manggagaling? Siguro ay sa Jerusalem, Roma, London, Paris, o New York ang mahahagap ng isip. Hindi natin aasahan na si Jesus ay manggagaling sa Button willow o sa Pumpkin Patch. O kaya ito? Si Jesus ng Las Vegas. Na may masamang pakahulugan, hindi ba?
Noong ang mga tao sa panahon ni Jesus ay kinilala Siya bilang "Jesus ng Nazaret," ganyan ang kaisipan nila. Mayroong negatibong pakahulugan. Ngunit sa hindi banal na dako ay nakatira ang isang makadiyos na babae na pinangalanang Maria, na pinatunayan na maaari kang mamuhay ng buhay na banal sa isang hindi banal na lugar.
Sa kanyang ikalawang sulat, inilarawan ni Pedro ang epekto ng mundo sa dalawang mananampalataya. Parehong tumira sa malupit na kultura, ngunit ang isa ay namayagpag samantalang ang isa ay hindi.
Una naroon si Noa. Ang mga bagay ay tiwali noong siya ay nabuhay kaya ang Diyos ay nagsisisi na nilikha Niya ang tao at handa nang hatulan ang mundo. Ngunit kahit sa madilim na panahong ito si Noa ay "kinalugdan ng Diyos" (Genesis 6:88) dahil lumakad siya kasama ang Diyos. Siya ay makadiyos na tao na namuhay sa isang hindi makadiyos na lugar, ngunit hindi siya nakiayon.
Sumunod ay naroon din si Lot, na tumira sa Sodoma at Gomora. Salungat kay Noa, si Lot ay napagod na. Hindi siya sumang-ayon sa kung ano ang ginagawa ng mga tao, ngunit wala siyang ginawa para mabago ito. Sinasabi ng Kasulatan na siya ay namuhay kasama nila, na araw-araw nagpapahirap sa kanyang matuwid na kaluluwa dahil sa kanyang nakikita at naririnig sa pamamagitan ng kanilang gawang masama at paglabag sa batas. Namuhay siya ng nakakompromisong buhay. At nang ang anghel ng Diyos ay dumating upang iligtas siya sa Sodoma, atubili siyang umalis.
Sa mga lalaking ito kanino kayo nakakaugnay: lay Noa o kay Lot? Ilagay natin sa ibang paraan, binabago mo ba ang kultura, o binabago ka ng kultura?
Buod na pangungusap: Namumuhay ka ba nang may kabanalan sa isang hindi banal na lugar?
Karapatang Maglathala © 2011niHarvest Ministries. Lahat ng karapatan inilaan.
Sipi ng Kasulatan ay hinango sa Banal na Biblia, New Living Translation, karapatang maglathala 1996, 2004, 2007. Ginamit na may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. Lahat ng karapatan inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Christmas Encouragement By Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1245%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More