Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 13 NG 25

Isang Hindi Nararapat na Regalo

Sino ang nasa listahan mo ng pagreregaluhan itong Kapaskuhan? Karaniwan, nagbibigay tayo ng regalo sa pamilya at mga kaibigan. Gusto nating bumili ng mga regalo para sa mga taong mahal natin at mga taong pinagmamalasakitan natin. Tayo ay kusang nagbibigay sa mga taong pinakikitunguhan tayo nang mabuti, mga taong mabait at may konsiderasyon para sa atin. At kadalasan nagbibigay din tayo ng regalo kapalit sa mga regalo na ating natanggap. Ang iba sa atin ay bibili pa ng mga regalo para sa ating alagang hayop.

Ngunit, sa pangkalahatan hindi tayo bumibili ng regalo para sa ating mga kaaway, di ba? Hindi tayo nagbibigay ng regalo sa taong naninira sa atin sa mga nakaraang taon. Hindi tayo nagbibigay sa mga nakakairitang kapit-bahay natin na walang sinabing mabuti sa atin. Hindi tayo nagbibigay sa mga taong sinubukan tayong takbuhan sa ating negosyo. Maging sa magnanakaw na nagnakaw sa radyo ng kotse noong nakaraang buwan ay hindi rin natin sila binibigyan ng regalo.

Ngunit pakaisipin ito: noong isinugo ng Diyos si Jesu-Cristo, ang Kanyang Anak, ay ibinigay sa atin ang pinakamainam na regalo, ibinigay Niya ito sa atin samantalang tayo ay makasalanan pa. Sinasabi ng Biblia, "Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa" (Mga Taga-Roma 5:8). Wala tayong ginawang kahit ano upang magkamerito o maging karapat-dapat sa regalong ito. Ang katotohanan, ang talagang nararapatan sa atin ay paghuhukom, dahil lahat tayo ay nagkasala laban sa Diyos. Lahat tayo ay sadyang sumobra na sa hangganan.

Ang nakamamanghang katotohanan ng Pasko ay ito, na sa kabila ng kasalanan natin, isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak upang iligtas tayo. Doon sa maliit na sabsaban sa Bethlehem, ibinigay niya ang regalong hindi nararapat sa atin.

Karapatang Maglathala © 2011 ni Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Kasulatan hango sa Salin ng New King James. Karapatang Maglathala © 1982 niThomas Nelson, Inc. Ginamit ng may pahintulot. Lahat ng karapatan inilaan.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org

Mga Kaugnay na Gabay