Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 3 NG 25

Ang Pangako ng Pasko

Noon pa'y naniniwala na ako sa pangako ng Pasko. Mayroong tila napakaespesyal, kahanga-hanga, masasabing mahiwaga pa nga (sa pinakamahusay na paggamit ng salitang iyon) sa panahong ito ng taon. At iyon ay nagsimula pa sa aking murang edad.

Kapag Pasko, mayroon tayong pakiramdam ng pagkamangha, kagandahan, at pag-asa. Inaasahan nating makakasama ang mga mahal sa buhay, ang pamilya at mga kaibigan, at kumain ng masasarap na pagkain. Ito ay isang magandang panahon ng taon. Ito rin ay isang panahon na, para sa karamihan, ay walang kasakiman. May kabaitan na ipinapakita ng mga tao sa isa't isa, maging sa mga estranghero.

Ngunit narito ang tanong: Talaga bang natutupad ang mga pangako ng Pasko? Minsan, oo—kaunti rito at kaunti roon. Ngunit para sa malaking bahagi nito, hindi talaga natutupad nito ang marami. Sa katunayan, ang inihahatid nito ay maraming paghihirap. Kung ikaw ay isang lalaki, ang iyong presyon ng dugo ay tataas nang husto sa panahong ito ng taon. Ang isang pag-aaral ay ginawa ng isang sikologong Briton na natagpuan na ang pamimili ng Pasko ay talagang mapanganib para sa kalusugan ng mga lalaki, dahil sa nakakataas na epekto nito sa presyon ng dugo. Ang pag-aaral ding ito'y nagsiwalat na ang presyon ng dugo ng mga kababaihan ay nanatiling hindi apektado ng tradisyon ng pamimili sa Kapaskuhan.

Kaya ano ang Pasko sa pinakamalala nito? Ito ay isang magaspang, pang-komersyal, walang laman, nakakapagod, at napakamahal na kaganapan na tumatagal ng ilang buwan. At ano ang Pasko sa kanyang pinakamahusay na anyo? Ito ay isang sulyap sa isang bagay na darating: ang kagandahan . . . ang kahanga-hangang musika . . . ang mga sumasambang anghel . . . ang pagmamahal . . . ang init . . . ang pangako . . . ang pag-asa. Dahil kapag tiningnan mo ang kabuuan nito, ang Pasko ay isang pangako. Ito ay isang pangako ng mga bagay na darating.

Karapatang maglathala © 2011 by Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang mga sipi ay mula sa Banal na Biblia, New Living Translation, copyright 1996, 2004. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. Lahat ng karapatan ay inilaan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org

Mga Kaugnay na Gabay