Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 24 NG 25

Masama para sa Negosyo?

Maiisip mo na pagkatapos ng himala ng pagpapalayas ng mga demonyo mula sa dalawang lalaki na marahas silang inapi, ang mga tao sa lugar na iyon ay magsasabing, "Jesus, Ikaw na! Gusto namin ang Iyong ginawa! Ngayon ay makakabalik na kami sa libingan at makakapagbigay galang sa aming mga mahal sa buhay at makapaglalagay ng bulaklak sa kanilang puntod. Noon ay hindi man lang kami makalapit doon. Nakakatakot ang mga lalaking ito. Salamat, Panginoon, sa pagdating sa aming komunidad." Ngunit hindi iyon ang nangyari. Bagkus ay gusto nilang umalis na siya. Bakit? Dahil masama para sa negosyo si Jesus.

Pinalayas ni Jesus ang mga demonyo mula sa mga lalaki at pinapunta sa kawan ng mga baboy na pumunta sa bangin. Hindi ko alam kung Judio ang mga tagapag-alaga ng kawan, kasi kung sila nga, ito ay hindi isang nararapat na bagay na gawin. Kumikita sila ng pera mula sa mga baboy, at wala nang makakapag-uwi ng karne sa bahay para sa kanila. Ito ang wakas ng kuwento. Iyon ang kanilang akala, Hindi namin ito gusto. Ito ay masama para sa ekonomiya. Layas.

Para sa ibang tao, si Jesus ay masama para sa kanilang negosyo. Ito ay karaniwang hanap-buhay na pumipinsala sa pagdurusa ng mga tao-dumadagdag pa nga. At kung nalaman mo na si Jesus ay masama para sa negosyo, dapat ay humanap ka na ng ibang trabaho.

Sa lupain ng Gadarenes, napagtanto ng mga tao na si Jesus ay hindi mabuti para sa kanilang ginawa, kung kaya, gusto nilang umalis Siya. Ang Ebanghelyo ni Mateo ay nagsasabi sa atin, "Kaya't lumabas ang buong bayan upang salubungin si Jesus. Pagkakita sa kanya, ipinakiusap nilang lisanin niya ang kanilang lupain" (Mateo 8:34). Kaya hulaan ninyo kung ano ang ginawa ni Jesus? Umalis Siya.

Hindi ipipilit ni Jesus ang Kanyang paraan sa buhay ninuman, kasama ang sa iyo. Inanyayahan mo na ba Siya?

Karapatang Maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Ang lahat ng karapatan ay inilaan. Kasulatan ay hinango mula sa New King James Version. Karapatang Maglathala © 1982 ng Thomas Nelson, Inc. Ginamit ng may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan.

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org

Mga Kaugnay na Gabay