Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asaHalimbawa
SI JESUS ANG ATING PIGING
PAGNINILAY
Si Jesus ay hindi lamang tagapagbigay ng pangangailangan mo; Si Jesus ang kailangan mo. Ang iyong puso ay nilikha Niya, ng para sa Kanya. Maaari kang makipaglaban at paghirapang umangat upang makamtan ang buong daigdig, ngunit kung wala si Jesus, kailanman ay hindi ka ganap na masisiyahan.
Kung may namumuong kawalang-kasiyahan sa kaibuturan ng iyong puso—isang pagnanais na hindi nagkaroon ng kaganapan mula sa kasiyahan na dulot ng tao, kaligayahan, mga pagdiriwang, mga materyal na bagay, o mga pagtatagumpay—ngayon ang araw upang buksan ang iyong puso sa kaisipan na ikaw ay nilikha para kay Jesus. Ngunit kailangan mong lumayo sa “mas mababa,” at hilingin sa Kanya na Siya ang iyong maging “mas mataas.” Si Jesus ay sapat na para sa iyo, at Siya ay naririto.
PAGMUMUNI-MUNI
Halina, O Emmanuel
Halina, O Emmanuel,
At tubusin ang bayang Israel
Lumuluhang ulilang lubos
Sa paghihintay sa Anak ng Diyos.
Magdiwang na!
Emmanuel ay darating, O Israel.
Halina, O supling ni Jesse,
Sa kaaway iligtas mo kami
Kaming anak Mo'y 'Yong ilayo
sa tukso at kuko ng imp'yerno.
Magdiwang na!
Emmanuel ay darating, O Israel.
Latin, c. Ika-12 siglo
Psalteriolum Cantionum Catholicarum, Köln, 1710
Isinalin ni John Mason Neale, 1818–1866, alt.
Stanzas 1 & 4
Isinalin sa Tagalog ni Fr. Mateo (Emmanuel) Zamora, OSB, b. 1977 noong Dec 2008, rev. Dec 2018
PANALANGIN
Ama, Ikaw lamang ang nakakaalam kung paano ako nagsikap na maghanap ng kasiyahan mula sa mga tao at mga bagay sa mundong ito. Ngunit sila ay bigo, at maging ako rin. Ikaw lamang ang makapagpupuno ng aking pusong umaasam. Ikaw lamang ang may pag-ibig na walang katumbas. Hindi Ka nagbabago kailanman. Buksan Mo ang aking mga mata ngayon. Ipakita Mo sa akin ang Iyong yaman at kaluwalhatian. Tulungan Mo akong mas makilala Ka. Hayaan Mong makita kong Ikaw ang piging na nakahain sa harap ko, upang ako ay magkaroon ng kagalakan na tanging sa Iyo lamang nagmumula. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Adbiyento sa simpleng salita ay isang panahon ng inaasam na paghihintay at paghahanda. Samahan ang pastor at may-akda na si Louie Giglio sa isang paglalakbay tungo sa Adbiyento upang matuklasan na ang paghihintay ay hindi pag-aaksaya kapag naghihintay ka sa Panginoon. Samantalahin ang pagkakataong mabuksan ang napakalawak na pag-asa na inihahain ng paglalakbay tungo sa Adbiyento. Sa susunod na pitong araw makakahanap ka ng kapayapaan at pampalakas ng loob para sa iyong kaluluwa habang ang pag-asa ay umaakay patungo sa pagdiriwang!
More