Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asaHalimbawa

Waiting Here for You, An Advent Journey of Hope

ARAW 5 NG 7

HUMINTO KA

Isang panahon ng paghinto habang naghihintay tayo ng pag-asa sa Panginoon.

PAGNINILAY

Ang mga tahimik na sandali ay bihira lamang at mahirap makahanap ng katahimikan, pero gumugol ka ng ilang sandali ngayon upang tahimik at taimtim na kilalanin ang Panginoon. Subukang huwag magbasa o mag-aral o magambala—huminto ka lamang at magnilay sa katauhan ni Jesus at lahat ng ginawa Niya para sa iyo. Isipin ang Kanyang kapanganakan, ang kanyang pagkabata, at ang bukang-liwayway ng liwanag na sumisikat sa isang madilim at pagod na mundo. Isipin ang Kanyang kamatayan at sakripisyo, at ang kaloob na buhay na ibinibigay Niya sa iyo. Magnilay sa Kanyang muling pagkabuhay, sa Kanyang kapangyarihan laban sa kadiliman at sa libingan. Uminom sa Kanyang presensya at sa katahimikan ay hanapin ang Kanyang mukha. At isipin ang Kanyang pagdating, ang araw na makikita mo Siya nang harapan.

PAGMUMUNI-MUNI

Maglaan ng isang sandali at maging tahimik sa Kanyang harapan. Magnilay tungkol kay Jesus at magtiwala sa Kanya.

PANALANGIN

Ama, naghihintay ako rito para sa Iyo. Salubungin Mo ako sa katahimikan. Salubungin Mo ako sa sandaling ito. Salubungin Mo ako sa Iyong Anak at sa pamamagitan ng Iyong Anak at ng Iyong Espiritu. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Waiting Here for You, An Advent Journey of Hope

Ang Adbiyento sa simpleng salita ay isang panahon ng inaasam na paghihintay at paghahanda. Samahan ang pastor at may-akda na si Louie Giglio sa isang paglalakbay tungo sa Adbiyento upang matuklasan na ang paghihintay ay hindi pag-aaksaya kapag naghihintay ka sa Panginoon. Samantalahin ang pagkakataong mabuksan ang napakalawak na pag-asa na inihahain ng paglalakbay tungo sa Adbiyento. Sa susunod na pitong araw makakahanap ka ng kapayapaan at pampalakas ng loob para sa iyong kaluluwa habang ang pag-asa ay umaakay patungo sa pagdiriwang!

More

Nais naming pasalamatan si Louie Giglio, ang may-akda ng Waiting Here for You (Passion Publishing), sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.passionresources.com