Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asaHalimbawa
LUWALHATI SA KAITAASAN
PAGNINILAY
Ang Diyos ay walang kapantay. Walang karibal. Walang kakulangan. Walang pangangailangan. Siya ang nauna sa lahat ng bagay at sa pagtatapos ng araw Siya ang pinakahuling mananatili sa lahat. Ang mundo ay puno ng “maliit na d” diyos, ngunit ginawa ng ating Diyos ang kalangitan at ang lupa. Walang maihahambing sa Kanya. Walang sinuman ang makakalapit.
Kaya't habang naghihintay ka sa Kanya ngayon, bigyan mo Siya ng papuri. Marahil ang iyong kalagayan ay tila nakataob, ngunit ang Kanyang trono ay tiyak na nakatayo ng tama! Purihin mo Siya habang naghihintay. Ipagbunyi Siya habang nagmumuni sa hinaharap. Kaya huwag kang humiling ng marami sa ngayon, ipagpatuloy na lamang ang pagtataas sa Pangalan na pinakamataas sa lahat ng pangalan. Hayaang ang Pangalan na iyon ay magpababa ng iyong puso sa lupa at payapain ang iyong kaluluwa. Hayaang ang iyong papuri ay lunurin ang lahat ng bagay na umaagaw sa iyong katapatan at pagmamahal. Kapag ito ay ginawa mo, ang iyong awitin ay mag-aangat ng iyong mga saloobin sa pinakamataas na antas.
PAGMUMUNI-MUNI
Luwalhati sa Kaitaasan
Ikaw ang una
Ikaw ang nauna
Ikaw ang huli
Panginoon, Ikaw ang magbabalik muli
Ang iyong pangalan ay nagliliwanag upang makita ng tanan
Ipinahahayag ng maraming bituin ang Iyong kaluwalhatian
Luwalhati sa kaitasan
Luwalhati sa kaitaasan
Luwalhati sa kaitaasan
Bukod sa Iyo walang ibang diyos
Ilaw ng daigdig
Maliwanag na Bituin at Tala sa Umaga
Ang iyong pangalan ay magniningning upang makita ng lahat
Ikaw ang Natatangi
kaw ang aking luwalhati
At walang sinuman ang maihahalintulad kailanman
Sa Iyo, Panginoon
Ang buong daigdig sama-samang nagpapahayag. . .
Luwalhati sa Kaitaasan. . . sa Iyo, Panginoon
Ang buong daigdig ay aawit ng iyong kapurihan
Ang buwan at mga bituin, ang araw at ulan
Ipahahayag ng bawat bayan
Na Ikaw ang Diyos at maghahari kailanman
Luwalhati, luwalhati aleluya
Luwalhati, luwalhati sa Iyo, Panginoon
Luwalhati, luwalhati aleluya
Aleluya
Chris Tomlin, Matt Redman, Jesse Reeves, Daniel Carson, Ed Cash
PANALANGIN
Ama, anong sasabihin Ko sa Iyo? Wala kang katumbas o karibal. Ang aking mga salita at ang aking mga saloobin ay napakaliit kung ihahambing sa Iyo. Nasilayan ko ang mabituing gabi at wala nito kahit katiting ng iyong kaluwalhatian. Palawakin ang aking pananampalataya at bigyan ako ng mga salita habang hinahangad kong sumali sa awit ng papuri sa Iyo.
Lahat ng papuri ay sa iyo, ngayon at magpakailanman. Ako ay lalakad sa katotohanang ito ngayon. Ako ay maniniwala dito. At kikilos ayon dito. At mananalangin ayon dito. At magbibigay ayon dito. At magpupuri sa Iyo ng walang katulad. Amen!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Adbiyento sa simpleng salita ay isang panahon ng inaasam na paghihintay at paghahanda. Samahan ang pastor at may-akda na si Louie Giglio sa isang paglalakbay tungo sa Adbiyento upang matuklasan na ang paghihintay ay hindi pag-aaksaya kapag naghihintay ka sa Panginoon. Samantalahin ang pagkakataong mabuksan ang napakalawak na pag-asa na inihahain ng paglalakbay tungo sa Adbiyento. Sa susunod na pitong araw makakahanap ka ng kapayapaan at pampalakas ng loob para sa iyong kaluluwa habang ang pag-asa ay umaakay patungo sa pagdiriwang!
More