Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asaHalimbawa

Waiting Here for You, An Advent Journey of Hope

ARAW 2 NG 7

ANG DIYOS AY KUMIKILOS HABANG TAYO AY NAGHIHINTAY

PAGNINILAY

Kung tayo ay magsasabi ng totoo, ayaw natin ng naghihintay. Sa katunayan, kadalasan ay nasasabi natin ang ganito,“hindi ako makapaniwalang napakatagal nito, nauubos dito ang napakahalagang oras ko!” Ito ay dahil karamihan sa atin ay nag-iisip na ang paghihintay ay pag-aaksaya. Ngunit hindi ito totoo sa ating Diyos.

Ang Diyos ay kumikilos habang tayo ay naghihintay. Hindi mo man nakikita kung ano ang ginagawa Niya, ang Diyos ay laging nagsasaayos ng mga kaganapan sa langit at lupa upang matupad ang Kaniyang mga layunin para sa iyong buhay. Magtiwala sa Kanyang walang-hanggang pag-ibig—pag-ibig na nag-udyok sa Kanya na magpadala ng Tagapagligtas mula sa langit upang manumbalik ka at mailigtas ka. Ang mga plano ng Diyos para sa iyong buhay ay hindi mapipigilan. Maghintay nang may tiyaga, alamin na ang paghihintay ay hindi nasasayang kapag naghihintay ka sa Diyos.

PAGMUMUNI-MUNI

Halina Jesus na Matagal nang Inaasam

Halina Jesus na matagal nang inaasam
Isinilang upang palayain ang Iyong bayan;
Mula sa aming mga takot at kasalanan kami ay pakawalan,
Ipakita sa amin na sa Iyo ay may kapahingahan
Lakas ng Israel at kaginhawahan,
Ikaw ang pag-asa ng buong sangkatauhan;
Minamahal na Pagnanais ng bawat bansa,
Kagalakan ng bawat pusong umaasa.

Isinilang upang iligtas ang Iyong bayan,
Isinilang na bata datapuwat isang Hari,
Isinilang upang maghari sa atin magpakailanman,
Ngayon ay ibigay ang iyong kahariang maluwalhati.
Sa pamamagitan ng Iyong Espiritu na walang hanggan
Sa puso naming lahat ikaw ay nag-iisang maghari;
Sa pamamagitan ng Iyong sapat na kabutihan,
Itaas mo kami sa Iyong tronong maluwalhati.

Charles Wesley, 1707–1788

PANALANGIN

Ama, narito ako at naghihintay sa Iyo. Bukas ang aking puso at palad sa Iyong mga layunin at plano para sa aking buhay. Bigyan mo ako ng tiyagang lubhang kailangan ko at akayin mo ako sa aking paghihintay. Kung ang aking damdamin man ay wala pa roon, naniniwala ako na kumikilos ka para sa akin sa sandaling ito, kumakalinga, nagtatanggol, naghahanda, nagbibigay. Bigyan mo ako ng grasya upang manatiling nagtitiwala sa Iyo sa harap ng napakalakas na hangin ng pag-aalinlangan na umiihip sa paligid ko. Iangkla mo ang puso ko sa Iyo. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Waiting Here for You, An Advent Journey of Hope

Ang Adbiyento sa simpleng salita ay isang panahon ng inaasam na paghihintay at paghahanda. Samahan ang pastor at may-akda na si Louie Giglio sa isang paglalakbay tungo sa Adbiyento upang matuklasan na ang paghihintay ay hindi pag-aaksaya kapag naghihintay ka sa Panginoon. Samantalahin ang pagkakataong mabuksan ang napakalawak na pag-asa na inihahain ng paglalakbay tungo sa Adbiyento. Sa susunod na pitong araw makakahanap ka ng kapayapaan at pampalakas ng loob para sa iyong kaluluwa habang ang pag-asa ay umaakay patungo sa pagdiriwang!

More

Nais naming pasalamatan si Louie Giglio, ang may-akda ng Waiting Here for You (Passion Publishing), sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.passionresources.com