Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asaHalimbawa
KANINO AKO MATATAKOT?
PAGNINILAY
Sa gitna ng away at matinding galit, panatilihing nakatuon ang paningin mo kay Jesus. Siya ay nakikipaglaban para sa iyo. Malapit na ang Emmanuel. Kahit na ang mga paratang ay lumilipad at ang kaaway ay sumasalakay sa iyong isipan, kahit na pinipilit ng mga tao na buwagin ka at hilahin pababa sa putikan ang iyong pangalan, bagaman ang mga balak ay inilunsad na at ang mga tukso ay dumadagundong, bagaman ang iyong kalamnan ay bigo at sumisigaw ng paghihiganti—ang iyong pag-asa ay nasa Kanya na nakikipaglaban para sa iyo. Ikaw ay ligtas dahil sa pag-ibig ng Diyos at sa kapangyarihan ng Kanyang makapangyarihang pangalan.
PAGMUMUNI-MUNI
Huwag Kang Matakot na Magtiwala sa Akin sa Unos
Huwag kang matakot na magtiwala sa Akin sa unos,
Ako ay malapit lang sa lahat ng oras.
Narito ako upang payapain iyong di-kailangang takot,
Kaya kayong mga pagal ay huwag nang matakot.
Koro
Huwag kang matakot, ako'y sumasa iyo,
Huwag kang matakot, ako'y sumasaiyo,
Huwag kang matakot, ako'y sumasaiyo,
Ako ay sumasaiyo hanggang sa dulo.
Marahil tila ako'y hindi laging malapit
Tulad ng iyong ninanais;
Ngunit sa kapayapaan man at sa bagyo,
Nakikita ko lahat ng mapanganib sa iyo.
Koro
Huwag kang matakot na magtiwala sa Aking mga makapangyarihang bisig;
Ito ang nagdala ng kaligtasan pababa sa daigdig.
Nagdusa ako ng matindi upang bigyan ka ng buhay,
Upang isang korona sa iyo ay ibigay.
Koro
JW Howe, Stanzas 1–3
PANALANGIN
Ama, sa gitna ng bagyo ay umaasa ako sa Iyo. Nakikipaglaban Ka para sa akin at Ikaw ay mas dakila kaysa sa lahat ng aking mga kaaway. Wala akong haharapin ngayon na mas malakas kaysa sa Iyo. Ikaw ang matatag na lupa sa ilalim ng aking mga paa. Salamat sa pagpaligid Mo sa mga nakapaligid sa akin. Bigyan Mo ako ng kapayapaan sa harapan ng aking mga kaaway, alam ko na nakikita Mo ako at ipagtatanggol ako ng Iyong pag-ibig. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Adbiyento sa simpleng salita ay isang panahon ng inaasam na paghihintay at paghahanda. Samahan ang pastor at may-akda na si Louie Giglio sa isang paglalakbay tungo sa Adbiyento upang matuklasan na ang paghihintay ay hindi pag-aaksaya kapag naghihintay ka sa Panginoon. Samantalahin ang pagkakataong mabuksan ang napakalawak na pag-asa na inihahain ng paglalakbay tungo sa Adbiyento. Sa susunod na pitong araw makakahanap ka ng kapayapaan at pampalakas ng loob para sa iyong kaluluwa habang ang pag-asa ay umaakay patungo sa pagdiriwang!
More