Pitong Susi sa Emosyonal na KabuuanHalimbawa
Susi 7: Humingi ng Tulong sa Banal na Espiritu
Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na ang tanging Gabay na marapat pagtiwalaan ay ang Banal na Espiritu. Siya ang Natatanging lubos na nakakaalam ng ating nakaraan, mula sa sandaling tayo ay ipinagdalantao hanggang sa kasalukuyan, at nakakaalam din ng ating hinaharap, mula ngayon hanggang sa kawalang-hanggan. Alam Niya ang plano at layunin ng Diyos para sa atin ngayon at sa bawat araw ng ating buhay. Alam din Niya kung ano ang mabuti at tama para sa atin.
Paulit-ulit na tinukoy ni Jesus ang Espiritu bilang ang “Espiritu ng katotohanan.” Pansinin kung ano ang sinabi Niya tungkol sa aktibidad ng Banal na Espiritu sa iyong buhay: “Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.” (Juan 16:13). Ang Espiritu ng katotohanan ay parang isang panloob na compass sa buhay natin, na laging itinuturo sa atin kung ano magiging, ang sasabihin, o ang gagawin ni Jesus sa anumang pagkakataon.
Ang lahat ng ginawa ni Jesus ay inihayag sa Kanya ng Ama. Marapat din nating hilingin sa Banal na Espiritu na ihayag sa atin ang kalooban ng Ama. Ang taong malusog sa emosyon ay maaaring makaramdam ng galit, halimbawa, ngunit sa pamamagitan ng paghingi ng gabay sa Banal na Espiritu sa kung paanong idirekta ang galit na iyan tungo sa positibong asal, ang tao ay makakahanap ng paglalabasan ng galit na magreresulta sa pagpapala, hindi sa pinsala. Ang taong malusog sa emosyon ay maaaring makaramdam ng pagkabigo o panghihina ng loob, ngunit sa paghingi ng gabay sa Banal na Espiritu, maaakay siya tungo sa mga bagong oportunidad na magreresulta sa pag-asa.
Tandaan, ang Banal na Espiritu ay ibinibigay sa iyo kapag nagtiwala ka kay Cristo. Ang ministeryo ng Banal na Espiritu ay ang bigyan ka ng pang-araw-araw na gabay at payo, upang tulungan kang lumakad sa mga pamamaraan ng Panginoon, at gumawa ng matatalinong mga pagpili. Humingi ng tulong sa Banal na Espiritu araw-araw. Hilingin sa Kanya na ilayo ka sa kasamaan at gabayan ka tungo sa katuwiran. Hayaan Siyang mangasiwa sa iyong iskedyul, sa iyong mga pang-araw-araw na lakad, at sa mga emosyong iyong nararamdaman. Pagtiwalaan Siyang tulungan kang itaguyod ang emosyonal na kalusugan at lakas mo, na mag-aayon ng iyong emosyonal na buhay sa iyong espirituwal na buhay—isang buong buhay na nakasalig kay Jesu-Cristo.
Tuklasin ang higit pang mga babasahing gabay tulad nito sa intouch.org/plans.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi bababa sa pitong pangunahing aspeto ng kabuuan ang kasangkot sa paghahanap ng pinakamahusay sa Diyos para sa iyong emosyonal na buhay. Hindi mo kailangang gawin ang mga ito sa pagkakasunud-sunod. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang bumuo ng mga pangunahing gawi sa iyong buhay na tutulong sa iyong maging buo sa iyong espiritu at damdamin. Tumuklas ng higit pang mga plano sa pagbabasa tulad nito sa intouch.org/plans.
More