Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pitong Susi sa Emosyonal na KabuuanHalimbawa

Seven Keys To Emotional Wholeness

ARAW 2 NG 7

Susi 2: Magbabad sa Banal na Kasulatan

Kapag pinatawad ka, may malinis na rekord ka sa harap ng Diyos. Ngunit hindi sapat na magkaroon lamang ng malinis na rekord. Dapat mong hilingin sa Panginoon na isulat ang Kanyang katotohanan sa iyong puso. Kailangang maitanim sa iyo ang kabutihan ng Diyos. Mapapasaiyo ang katotohanan ng Diyos patungkol sa halos lahat ng sitwasyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang Salita. Kailangan mong ibabad ang iyong sarili sa opinyon ng Diyos, at sa larangan ng emosyonal na kalusugan, ang ibig sabihin nito ay ibabad ang iyong sarili sa opinyon ng Diyos tungkol sa iyo.

Sa Banal na Kasulatan, matutuklasan mo na ikaw ay:

· Isang anak ng Diyos. Sinasabi ng Mga Taga-Galacia 3:26-27 ang: “Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Ang buhay mismo ni Cristo ang isinuot sa inyo na parang damit nang kayo'y mabautismuhan sa kanya. ” Tinitiyak pa ng 1 Juan 5:1 na “Kung tayo'y sumasampalataya na si Jesus ang siyang Cristo, tayo nga'y mga anak ng Diyos. At ang sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa anak.”

· Tinatanggap nang lubos at ganap ng Diyos. Ang pag-unawa na bilang anak ng Diyos, lubos at ganap kang tinatanggap ng Diyos ay susi sa iyong emosyonal na kalusugan. Itinuturo sa atin ng Mga Gawa 10:34-35 na “talagang walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit tagasaan mang bansa.”

· Isang tagapagmana ng Ama sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Bilang pangwakas, ang malamang nangangako ang Salita ng Diyos na bilang anak Niya, ikaw ay Kanyang tagapagmana sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay pumapanatag sa iyong isipan at nagsisiguro ng isang hakbang sa tamang direksyon patungkol sa iyong emosyonal na kalusugan at kagalingan. Ang Mga Taga-Galacia 3:29 at Tito 3:7 ay nangangako na kung tayo ay kay Cristo, magkagayo'y mula sa lahi ni Abraham; mga tagapagmana ayon sa pangako; at, ginawang matuwid sa pamamagitan ng Kanyang kagandahang-loob, ginawang mga tagapagmana ayon sa ipinangakong buhay na walang hanggan. 

Maraming pang ibang paglalarawan ng bayan ng Diyos na makikita sa Banal na Kasulatan. Magnilay-nilay sa Kanyang Salita, na humihiling sa Kanyang paliwanagin pa ang Kanyang kahanga-hangang opinyon tungkol sa iyo. Gumawa ng talaan ng mga ito o bilugan ang mga ito habang binabasa mo ang iyong Biblia araw-araw. Kung ikaw ay ipinanganak nang muli sa pamamagitan ni Cristo Jesus, lahat ng paglalarawang ito patungkol sa mga anak ng Diyos ay pumapatungkol sa iyo … angkinin ang mga ito bilang bahagi ng iyong profile.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Seven Keys To Emotional Wholeness

Hindi bababa sa pitong pangunahing aspeto ng kabuuan ang kasangkot sa paghahanap ng pinakamahusay sa Diyos para sa iyong emosyonal na buhay. Hindi mo kailangang gawin ang mga ito sa pagkakasunud-sunod. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang bumuo ng mga pangunahing gawi sa iyong buhay na tutulong sa iyong maging buo sa iyong espiritu at damdamin. Tumuklas ng higit pang mga plano sa pagbabasa tulad nito sa intouch.org/plans.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.intouch.org/reading-plans